Passion talaga ng newbie singer na si JR Estudillo ang pagkanta. Nagsimula ito noong 2012, nang siya ay estudyante pa lang. Siya ay graduate sa Holy Cross of Davao College ng kursong Bachelor of Science In Custom Administration. Tapos nito ay muling nag-aral ng Nursing sa Our Lady of Fatima University.
Si JR ay dating miyembro ng boy band na Y-Fi. Ayon sa kanya, sumali sila sa Wold Championships of Performing Arts (WCOPA) noong 2014.
Kuwento niya, “Nagbuo kami ng boy band, ‘yung Y-Fi, at nag-compete kami sa WCOPA (World Championship of Performing Arts) in Long Beach, California. We joined as a band, umabot lang po kami hanggang semi-finals. Tapos po, lumaban ulit kami the following year, nanalo na po kami bilang Senior Vocal Group of the World when we sang a Bon Jovi number.
“Noong elementary ako, more on dancing ako, sayaw talaga. Nang college na, roon na ako nagkahilig sa pagkanta,” pagbabalik-tanaw pa niya.
Dagdag ni JR, “Sumali kami sa X-Factor noong 2012. Umabot kami hanggang Top 20. Si KC Tandingan po ang nag-Grand Champion doon.”
Sa ngayon ay nagsosolo na si JR dahil buwag na ang kanilang banda. “Iyong grupo kasi ay nagkanya-kanya ng priorities. Tapos nag-stay po ako sa Manila for my nursing profession. Graduate na po ako last March lang po at nagre-review na po ako for board exam this year,” sambit niya.
Ang title ng unang single ni JR na available na sa Spotify ay Ikaw Pa Rin. Ito ay isinulat ni Jeremy Sarmiento at inareglo ni Cacho Ferrero.
Samantala, nag-umpisa na ang Solid Rock Entertainment na mag-produce ng shows online sa pamamahala ng manager ni JR na si Kate Rodriguez. Isa na rito ang show ni JR na Usapang Lodi at ang The Barbie Show ni Barbie Cruz. Mapapanood din dito mula Lunes hanggang Biyernes ang SNI (Showbiz News Intrigue) ng talent manager na si katotong Throy Catan.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio