Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arjo Atayde, patuloy sa pagpapakita nang husay bilang aktor

PATULOY na pinupuri ang galing ni Arjo Atayde bilang aktor. Partikular ang husay niya sa The General’s Daughter bilang si Elai na isang autistic at sa digital series na Bagman ng iWant.

Patunay ng galing ni Arjo ang pagkaka-nominate sa Gawad Urian bilang Best Supporting Actor para sa pelikulang Buy Bust. Gaganapin ang awards night sa June 18 sa UP Film Center. Naunang na-nominate si Arjo sa FAMAS para rin sa naturang pelikula na pinagbidahan ni Anne Curtis.

Ipinaabot naman ni Arjo ang kanyang kasiyahan sa mga papuring natatanggap at sa magandang takbo ng kanyang career.

“Everything is surreal, everything is overwhelming, I can’t explain being given all these roles, this opportunity, the family, good per­sonal life, career. ABS-CBN is taking care of me, Dream­scape and Rein Entertainment took care of me well in this project, of course my co-actors took care of me so well and nothing easy but I worked for it. Very, very thankful,” aniya.

Sa panayam namin kay Arjo sa thanksgiving na ibinigay ng kanilang pamilya sa entertainment media, nasabi niyang marami siyang project na nakaline-up na hindi pa niya puwedeng banggitin. Pero, ayon sa guwapitong binata ni Ms. Sylvia Sanchez, nakatakda na rin siyang sumabak sa pagiging movie producer very soon at nakalatag na ang magagandang projects na gagawin nila.

Samantala, although tila mas open na si Arjo sa kanyang personal na buhay, lalo na sa pagiging mas malapit nila ngayon ni Maine Mendoza, mas gusto niyang huwag nang pag-usapan ang espesyal na babae sa kanyang buhay.

Nakangiting paliwanag ng isa sa endorser ng BeauteDerm ni Ms Rei Tan. “Whatever I say on any issue concerning her, lagi pa rin akong naba-bash, so no comment na lang,” wika pa ni Arjo.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …