Friday , December 27 2024

Regine at Vice Ganda, ‘di nagpabayad sa concert ni Anton Diva

TAONG 2014 pa binuo ni Teri Onor ang produksiyon niyang Toes o Teri Onor Entertainment Services pero ngayon lamang sila magsasagawa ng isang maituturing na malaking event, ang Anton Diva SHINE XXII DV concert na magaganap sa June 15, Sabado, 8:00 p.m., sa Cuneta Astrodome.

Sa presscon na ginanap kahapon sa Salu, sinabi ni Teri na last year pa nila pinag-usapan ni Anton ang paggawa ng concert.

“Pinag-uusapan namin ang Shine last year pa. June 14 nag-meeting kami sabi ko, ‘Anton, gusto kitang i-produce. Kasi siyempre it’s about time na ibigay sa kanya, kasi that time 21 years na siya sa industry parang ang title XXI AD Anton Diva.

“Dapat October of last year namin gagawin pero walang available na venue naging November hindi rin available, tapos January or February kami. Kaya lang last year of October nag-announce si Ate Vice Ganda at ate Regine Velasquez na they are having a concert sa Araneta Coliseum kaya sabi ko, ‘‘wag nating sabayan. Maghanap tayo ng ibang date.’ So noong February 14 nag-trending sa social media ‘yung pag-akyat ni Anton sa concert nila noong shinare ni Ate Regs at Ate Vice ‘yung stage sa kanya.

“So immediately nag-message ako sa group chat namin na itutuloy na namin ang concert mo Anton, ang title Shine XX11 AD. Shine dahil ito ang title ng kinanta nila at sa gabing iyan ng concert mo magsa-shine ka makikilala lalo ang Anton Diva.

“Sa aminin man natin o hindi na si Ms. Anton Diva ang unang nakilala na nag-impersonate bukod sa kaboses ni Ms. Regine at in-acknowledge siya rati nang mapakinggan siya ni Ate habang nakapikit ang mata, sabi niya, maganda ang boses niya at kaboses pa niya.

“And she’s not getting any younger kaya sabi ko hangga’t may boses at kaya pa, gawin natin. ‘Pag tumanda na tayo mayroon tayong babalikan na siya ang nag-perform sa malaking venue.

“May nagtanong kung bakit sa Astrodome? Puwede naman sa Araneta, sa Kia, sa Music Museum. Sabi ko, ‘kapatid, gagawa na rin lang tayo ng isang show na hindi natin makakalimutan eh, sa malaking venue na tayo,” mahabang paliwanag ni Teri.

Sambit pa ni Teri, “Ang production po ng Toes eh parang reunion din namin ito, mula sa director hanggang sa ikababa ng production eh mga nakasama ko noong araw sa teatro at sing-along. Pinagsama-sama kop o para mag-collaborate kami ng ideas.”

Ang tinutukoy ni Teri ay ang tulad nina Peter Flores Serrano na siyang magdidirehe ng concert, at ang pool of writers ay binubuo nina Roni Abario, Aya Anunciacion, at Aremm Castrillo.

Ang musical director naman ay si Mark Lopez, si Lou Oca ang choreography, si Shakira Villa Symes ang lights and sound, si Mitoy Sta. Ana ang stage design, at ang production company management ay pinamahalaan ng FullHouse Asia Production ni Maricel Ticar.

Special guest ni Anton sina Regine, Vice Ganda kasama pa sina Michael Pangilinan, Raging Divas, Miss Q&A2019 Mitch Montecarlo Suansane, Jewel Jhonson. Front act performers ang Pepper Divas at Rapture Girls.

Iginiit pa ni Teri na hindi nagpabayad sina Regine at Vice Ganda sa concert na ito.

“Full support po silang dalawa sa amin lalo na kay Anton. Kaya naman sobra-sobra ang aming pasasalamat sa kanilang dalawa. Kaya nga sabi ko sa kanya na ito na ang panahon para ipakita natin kung ano ang inumpisahan natin at kung bakit nagsulputan ang marami pang tulad ng mga gumagaya kay Regine,” dagdag pa ni Teri.

Sinabi pa ni Teri na hindi ito ang una at huling magpo-produce ang Toes. “Marami pa pong susunod kay Anton na ipo-produce namin. Bibigyan namin ng pagkakataon ‘yung ibang hindi nabigyan ng pagkakataon na makapag-perform sa malaking venue. Sayang lang dahil supposedly after ng kay Anton, ang susunod dito ay ang kapatid naming pumanaw na si Chocoleit kaya lamang kailangan na niyang magpahinga. Pero gagawa pa kami ng paraan para ‘yung mga kapatid namin sa sing-along eh mabigyan ng pagkakataong makapagtanghal.”

Samantala, biggest challenge naman kay Anton ang makakanta ng magandang maganda.

Aniya, “’Yung maguggustuhan ng audience ‘yung pagkanta ko ng mga song na hinanda naming for them. Makanta ko lang ng maayos, magawa ko ‘yung birit na gusto ko, ‘yung style na masarap pakinggan at ‘yung stamina na magawa ko ‘yung 2 hour show. Sana makagalaw ako dahil may mga dance move na kailangang aralin. The whole performance is a big challenge to me because of my age.”

Naikuwento pa ni Anton na habang papalapit ang concert ay ‘di siya makatulog. “Sobrang nahihirapan ako makatulog. Hindi na ako makatulog dahil sa preparasyon at sa tension. Sobrang kabado, ang dami kong naiisip, hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Pero once na matapos koi to ng magaling at maayos, sigurado akong masarap ang pakiramdam ko.”

Sa huli, iginiit ni Anton na gusto niyang madagdagan ang mga taong naniniwala sa kanyang kakayahan. “At masulit ko ‘yung pera na gagastusin nila sa pagbili ng ticket. They get what they want, ‘yung makapagbigay kami ng production numbers, ng concert nap ag-uwi nila maaalala nilang ang ganda ng concert. ‘Yung tipong sasabihin nila na ‘buti na lang nanood kami.’”

Available ang ticket sa Ticketnet sa 9115555.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *