Monday , February 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cannes Producers Network, ibibida ang ‘Pinas bilang country of focus

MULING napili ang Pilipinas bilang Spotlight Country sa prestihiyosong Cannes Producers Network ng Marché du Film na gaganapin mula Mayo 15-21, 2019 sa Cannes, France, at pangungunahan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang Philippine film delegation na lalahok para mas maipakilala ang Filipino film production companies sa global platform.

Tampok sa Producers Network ang diverse na lineup ng film producers mula sa bansa.

Ang Marché du Film ang pinakamalaking film market sa buong mundo na ginaganap kasabay ng Cannes Film Festival. Bahagi ng film market na ito ang Cannes Producers Network, isang exclusive na producers-only event na tinitipon ang producers mula sa buong mundo.

Magkakaroon ng pagkakataong makipag-network ang producers sa international partners at makakuha ng oportunidad para sa international film co-productions.

Sa spotlight event ng Cannes Producers Network tampok ang Pilipinas sa Mayo 21, itatanghal ng FDCP ang mga sumusunod na spotlight companies sa mahigit sa 300 na international partners, kasama na ang pinakamalalaking film industry players sa bansa: APT Entertainment, Inc., Globe Studios, The IdeaFirst Company, Spring Films, at TEN17P. May special participation din dito ang ABS CBN Films, ang pinakamalaking film production outfit sa Pilipinas, na Guest of Honor ng event.

Susuportahan din ng FDCP ang mga sumusunod na promising producers na kasali sa event, pati na rin ang kanilang latest projects para sa international co-production. Ito ay ang Monster Jimenez ng Arkeofilms, Treb Monteras ng Dogzilla, Maria Madonna Tarrayo ng UXS, Inc., Dan Villegas ng Project 8 corner San Joaquin Projects, Kriz Anthony Gazmen ng Black Sheep, Michaela Tadena ng Media East Productions, Pamela Reyes ng Create Cinema, at Arleen Cuevas ng Cinematografica Films.

“Pangalawang taon na natin bilang Spotlight Country sa Producers Network, at honored kami na magkaroon ng pagkakataong i-showcase ang boses natin sa international film scene sa pinakamaking film market at sa isa sa mga pinaka-prestihiyosong film festival sa mundo. Ang Cannes ay isang exceptional platform para sa ating filmmakers at film companies para ibahagi nila ang kuwento nila sa global audiences, at hindi na kami makapaghintay na makipag-collaborate ang filmmakers natin sa filmmakers mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo at tulungan din silang isabuhay ang dream film projects nila sa tulong ng international co-productions,” ani FDCP Chairperson and CEO Mary Liza Diño.

Tampok din ang producers at production companies sa Marché du Film Pavilion ng Pilipinas sa Village International Riviera mula Mayo 14-23, 2019. Kasama rin dito ang BlackOps Studios Asia, Concept One, Epicmedia, Rocketsheep Studio, Sine Olivia Pilipinas, TBA Studios, Unitel Productions, Inc., at Visioncapture para bumuo ng partnerships at makipag-network sa content buyers at sellers.

Taon-taong lumalahok ang FDCP sa Marché du Film at sinusuportahan ang Philippine delegation ng film market at ng film festival. Ngayong taon, magho-host ang FDCP ng Marché du Film Pavilion kasama ang Singapore Film Commission.

Ang Philippine Pavilion ay nasa Pavilion 114 ng Village International Riviera. Ang Cannes Film Festival ay gaganapin mula Mayo 14-25, 2019, samantalang ang Marché du Film naman ay mangyayari mula Mayo 14 -23, 2019.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Nijel de Mesa Jan Christine NDM Plus Not for Everyone Gala

NDM Plus naglunsad ng “Not for Everyone Gala” na kakaiba at puno ng artista

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG “NOT FOR EVERYONE GALA” ng NDM Plus ay hindi …

Rod Navarro Jr Coco Martin

Hugot ng galit ni Rod Jr kay Coco saan nanggagaling?

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST si Rod Navarro Jr. sa kanyang Facebook account na inakusahan niya si Coco Martin  ng …

Vice Ganda Alvin Aragon Izzy Trazona

Vice Ganda nagbiro sa ika-11 utos ayon sa asawa ni Sexbomb Izy na si Alvin

MA at PAni Rommel Placente TRENDING ang dating aktor na si Alvin Aragon nang mag-guest kamakailan sa …

PAFTA

Juday, Anne, Carla, at Coco pinangunahan PAFTA awardee

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INILABAS na ng Philippine Arts, Film & Television Awards (PAFTA) ang mga nanalo …

Sam Milby Catriona Gray

Sam Milby nag-react sa interview ni Catriona Gray

ni Allan Sancon HININGAN ng reaksiyon ni MJ Felipe ng TV Patrol si Sam Milby sa panayam sa ex-fiancee niyang si Catriona …