SINAMPAHAN ng libel ni Aiko Melendez ang vice governor ng Zambales na si Angelica “Angel” Magsaysay-Cheng noong May 7, sa Olongapo Regional Trial Court. Ang rason ay dahil sa pagdawit ng vice governor sa pangalan ni Aiko bilang sangkot daw sa droga. Ipinakita ito sa sa ilang public film viewing ng kampo ng incumbent vice governor habang nangangampanya sa Zambales.
Sa social media posts ni Aiko, naglabas siya ng sama ng loob sa ginawa ng kalaban ng boyfriend sa politika. “Maraming pagkakataon pinalampas ko na ang paninira at pagpaparinig mo sa akin. Andyan me sakit ako sa balat, Jade… But not this one. Para isangkot mo ako sa droga! This is too much. I filed a libel case against Angel Magsaysay – Cheng. Wala ka nang awa basta na lang makasira ka ng tao kahit wala kang ebidensiya, basta makasakit ka na lang ng kapwa mo. Para paikutin mo sa Zambales ang puting van na me picture ko na sangkot ako sa droga, ang nagtulak sa akin para ipaglaban ang karapatan ko bilang tao. If you can do this to me paano pa ang ibang tao na ‘di kayang magkaroon ng abogado? Sobra ka na. May this be a lesson also not just for you but to anyone who is so quick to judge and spit their words without any evidence.”
Matatandaan na taon-taon ay nagpapa-drug test si Aiko at ipino-post niya sa social media ang resulta nito.
Nalalapit na ang halalan sa May 13 kaya inaasahang mas titindi pa ang siraan sa kampanya. Pero ayon kay Aiko at sa BF niyang soon-to-be Zambales vice governor Jay Khonghun, hindi nila ito pinapansin dahil deadma rin naman ang constituents ng lalawigan dito.
“Ang mahalaga ay maiinit na pagyakap sa amin ng Zambaleños sa bawat barangay at sityong aming pinupuntahan. Iyon ang mahalaga sa amin ngayon ni daddy, si Congressman Jeff Khonghun, kasi alam ng mga tao ang aming serbisyo sa kanila. Nakakatakot manalo ang mga taong naninira, sinungaling, nangbibintang at nananakit ng damdamin ng kapwa. Kung kaya nilang gawin sa mga katulad naming halal ng bayan, paano pa kaya ang ordinaryong mamamayan?” wika ni Mayor Jay.
Sambit naman ni Aiko, “When you work too hard, it kills them with so much envy. So, we keep working and working.”
Ikinainis naman ng BF ng aktres ang mga nag-aalis ng kanilang campaign posters mula sa kalaban. Binalaan niya ang mga ito dahil nakunan sila ng CCTV at na-report na rin sa pulisya. May nakarating naman sa amin na ilang independent surveys sa Zambales na nangunguna ang Team Ebdane-Khonghun sa puso ng mga taga-rito.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio