Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anne Curtis, bagong mukha ng Belo’s Thermage FLX

HINDI naiwasang napa-wow kay Anne Curtis ng mga dumalo sa unveiling ng kasalukuyan at pinaka-advance na machine ng Belo sa wonderful world ng aesthetic beauty, ang Thermage FLX kasabay ng paglulunsad sa kanya bilang official ambassador nito kamakailan sa The Fort, Bonifacio Global City.

Inirampa ni Anne ang lalo pang kagandahan ng kanyang mukha, kutis bata, mas malinaw na jawline at leeg, at contour face.

Ani Anne, sobra siyang nasiyahan sa magandang epekto ng Thermage FLX sa kanya. “At mabuti na sinunod ko ang payo ni Dr. Vicky Belo na subukan ang Thermage FLX, the non-invasive treatment that helped lift skin and added glow to it.”

Sambit pa ng aktres, “I have been a Belo baby ever since I can remember. I started consulting with Dra. Belo back when my skin problem was still acne. So, it is but natural for me to go to her now that I am over 30. And always, Dra. Belo delivers. I have experienced and seen first-hand Thermage FLX’s benefits and I just love it. The treatment is quick and comfortable, too, very good for busy people like me.”

At siyempre, hindi kompleto ang launching nang hindi ipinaririg ni Anne ang maganda niyang boses. Kumanta ito ng Chandelier at pagkaraan ay sinabing, “Thank you and I’m sorry.”

Isa na namang milestone para sa Belo Medical Group’s history ang  naging paglulunsad ng Thermage FLX. At tulad ng inaasahan, ito’y mula sa itinuturing na top medical aesthetic clinic, ang Belo na siyang nagbigay pagkakataon para masubukan ng mga pasyente ang Thermage FLX, ang ika-apat at latest version, na may kasamang AccuREP, isang system na tumutulong sa Thermage machine para mas maging maganda pa ang resulta sa maikling oras kompara sa ibang technology.

“This new incarnation of Thermage has proven to be wonderful for both patient and doctor. Our patients get effective tightening and lifting much faster, while our doctors are able to more quickly perform the procedures because Thermage FLX has a bigger foot and is much easier to use,” paliwanag ni Dr. Vicki Belo.

Ginagawa na ng Belo Medical Group ang Thermage procedures sa loob ng 16 na taon at sila pa rin ang nangunguna bilang Thermage user kaya naman nabigyan sila ng esteemed Black Diamond Award.

Kaya kung gusto ninyong magmukhang bata at makinis ang kutis, subukan ang Thermage FLX machine now. Para sa appointment tumawag sa 819-BELO (2356) o mag-log-on sawww.belomed.com.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …