Tuesday , April 29 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Irene del Rosario at Rey San Pedro tandem na inaasahan ng San Joseño

KRUSYAL ang desisyon ng mga residente sa City of San Jose del Monte, Bulacan sa Lunes, 13 Mayo para mailigtas sa kapariwaraan ang kanilag lungsod.

Marami ang nagsasabi na maunlad na ngayon ang San Jose del Monte, urbanisado at komersiyalisado.

Tama naman po ang mga nagsasabi niyan.

Pero gusto nating linawin na ang kaunlaran ay hindi nasusukat sa komersiyalisasyon ng isang lungsod o lugar.

Gaya nga nang nangyayari ngayon sa San Jose del Monte, komersiyalisado na pati ang kanilang tubig.

Mula sa ilalim ng San Jose Water District – LWUA, ang Prime Water na ngayon ang namamahala sa kanilang tubig.

Kung dati ay mababa lang ang binabayaran nila sa tubig, ngayon ang minimum pay ay umaabot na sa P223/month, kahit walang gumagamit ng tubig.

Hindi lang ‘yan, mas madalas na mahinang-mahina o walang tulo ang kanilang mga gripo mula nang mapunta sa Prime Water.

May panahon din umano na mabaho ang amoy ng tubig at napakalabo.

At isa po ‘yan sa tatrabahuin ng tandem na Del Rosario at San Pedro.

Ibabalik nila sa maayos na serbisyo ang tubig ng mga San Joseño.

Kung dati ay mahigpit na sinusuri ang pagpapasok ng mga realtor at commercial businesses sa lungsod ngayon todo-larga lang.

Kaya hindi na tayo nagtataka kung bakit lalong dumami ang subdibisyon ng mga Villar sa San Jose del Monte.

Very close raw kasi sina Madam Cynthia at Ate Rida. Hindi naman kaya puro Villar subdivision na ang San Jose del Monte?!

Papayagan ba ng mga San Joseño na tuluyang mapariwara ang kanilang lungsod?!

‘Yan ang aabangan natin sa Lunes, sa araw ng halalan sa 13 Mayo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Imee, Camille, laglag sa endorsement ni Digong

AKSYON AGADni Almar Danguilan TABLADO kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sina senatorial candidates Senator Imee …

Firing Line Robert Roque

Tara, PNP, pustahan tayo!

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAHIRAP paniwalaan ang patuloy na paninindigan ng Philippine National …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Hustisya sa kuwaresma hatid ng PNP sa pamilya Que-Pabilio

AKSYON AGADni Almar Danguilan TUWING kuwaresma ang lahat ay nagpapahinga, nagbabaksyon, nagninilay, etc…dahil walang pasok …

Sipat Mat Vicencio

Masisikmura ba ng DDS na iboto si Imee?

SIPATni Mat Vicencio SA KABILA ng pambobola ni Senator Imee Marcos sa pamilyang Duterte, magagawa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperado na si Camille Villar at ang paglaglag ni Sara sa PDP-Laban senatorial slate

AKSYON AGADni Almar Danguilan DAHIL sa ginawang pag-endoso ni Vice President Sara kina Senator Imee …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *