Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tayo Sa Huling Buwan ng Taon, Graded A ng CEB

HINDI na nakapagtataka kung makakuha ng Grade A ang Tayo Sa Huling Buwan ng Taon dahil tatlong taon ang binuno ng direktor nitong si Nestor Abrogena para magandang maipalabas, mailahad ang kuwento nina Sam, Anna, Alex, at Vera.

Tulad ng naunang Ang Kwento Nating Dalawa, kitang-kita sa mga sumugod sa UP Cine Adarna kamakailan para manood ng advance screening nito ang excitement at tuwa na malaman kung ano ang nangyari sa sinusundan nilang kuwento nina Sam at Isa after five years ng paghihiwalay.  

Ginagampanan ni Nicco Manalo ang isang baguhang filmmaker at writer naman si Vera na dating magkasintahan. Sa Tayo, may iba’t ibang kapareha na ang dalawa, si Nicco ay kasintahan na ang kanyang co-teacher na si Anna (Anna Luna) at si Isa naman ay si Frank (Alex Medina), childhood friend niya na handang iwan ang lahat para sa kanya.

Ang Tayo ay ang follow-up ni Abrogena sa indie film niyang Ang Kwento Nating Dalawa at sagot ng direktor sa mga naghihintay sa kanyang romantic film opus.

Hindi naman naiiba ang Tayo sa mga napapanood nating pelikula na ukol sa emotional portrayal ng love among people at couple na naghahanap ukol sa buhay-buhay.

Sabi nga ni Vera, “I have high hopes that the movie will touch many people, that it will resonate with Filipinos. Because what we are doing is just the regular life of ordinary people who are flawed. There’s no huge plot twists. It is just regular lives. I feel like Filipinos should watch because they can identify with the film.

“I want people, after watching the movie, to reflect on their lives, their actions and how they affect the people around them. Hopefully, we’ll change a lot of people for the better.”

Palabas na ang Tayo Sa Huling Buwan ng Taon sa mga sinehan at ito’y handog ng TBA Productions.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …