Friday , December 27 2024

Herbert, Harlene, at Hero, gagawa ng pelikula

PROUD si Konsehal Hero Bautista na ibahagi ang dedikasyon nila sa trabaho at public service na namana sa kanilang amang si Butch Bautista at kay Mayor Herbert.

“Ang serbisyo publiko po kasi ay nakalakihan na namin at doon na namulat,” sambit ng tumatakbong Councilor ng Quezon City District 4  Hero sa isinagawang birthday treat sa entertainment press para sa January-June celebrant.

Kuwento ni Hero, medyo nangitim na siya sa pag-iikot sa ikaapat na distrito ng QC pero balewala ito dahil, ”maganda ang reception ng mga constituent namin bagamat may mga pinagdaanang hard times sa buhay na tinanggap naman ng publiko. Tuloy-tuloy pa rin ang paggawa ko ng kanyang projects at mahal ako ng mga barangay official.

“Hangga’t buo ang grupo namin at hangga’t nandito ako, handa akong magserbisyo. Hindi ko po target ang number one, okey na po sa akin ang .05 ha ha ha. Okey na po sa akin na tumaas ang ranking ko, from number 6 to 3 or 2. Pero nasa taumbayan naman po iyon kung saan ako papasok,” hiling ni Hero.

Ipinagmamalaki naman ni Harlene na nagsusuportahan silang magkakapatid.

“Si Kuya Hero, nakikita ko na talagang mahal siya ng mga constituent niya dahil palatawa, palabiro, madali siyang malapitan, madali siyang kausap hindi tulad ng iba na mahirap lapitan.

“Hindi dahil sa kapatid ko siya, consistent na sinasabing madali siyang lapitan kapag may hiniling na tulong o suporta, isa siya sa unang-unang nagre-response. ‘Yun talaga ang nagustuhan sa kanya.”

At dahil ever supportive sister siya, lagi lang siyang nasa tabi ng mga kapatid niya na handang tumulong.

At bilang producer, ibinalita naman ni Harlene na, ”were very lucky of course because of the success of ‘Rainbow’s Sunset.’ May tinatamasa pa rin kaming tangumpay hanggang ngayon. Very recently ‘yung Worldfest-Houston sa Texas, nanalo tayo ng dalawa, best actor sina Tito Eddie (Garcia) at Tito Tony (Mabesa) at si Eric Ramos bilang story innovation and ‘yung special jury prize. Nakasali rin siya sa Miami bagamat wala siyang award na natanggap pero sobrang well received siya ng audience roon. At sa Outshine Festival, isang LGBTQ festival na ginanap sa Miami and then sa October, hopefully kasama rin doon ang pelikula namin.

“Ngayon mayroon kaming ginagawa, ‘In the Name of the Mother,’ starring Snooky Serna, Divina Valencia, Gardo Versoza, Diana Zubiri, Pancho Magno and Rita Daniela. Magandang story siya, pampamilya na naman and focusing on the mother. Napakagaling ng cast. I always believe in Ate Cookie and sobrang ate talaga siya sa project na ito. And sobrang kinakabahan at thankful siya sa project na ito.  Idinirehe ito ni Joel Lamangan.

“Ang isa pang ginagawa namin for iWant naman ay ‘yung, ‘Don’t Call Me Tita’ staring Cherrry Pie Picache, Joanna Ampil, Mylene Dizon, Angelica Panganiban, Agot Isidro and Jaclyn Jose. Kasama rin dito si Ice Seguerra. Tungko naman ito sa mga Tita na may kanya-kanyang issues sa buhay. Comedy siya at nakaaaliw at malapit na siyang lumabas. This is for Dreamscape Entertainment ng ABS-CBN directed by Andoy Ranay.”

Hindi lang sa politika abala si Hero, may ginagawa rin siyang pelikula, ang Fusion na ilalabas sa Netflix.

“Leading lady ko rito sina Daiana Menezes at Maria Ozawa.

“Nag-ahit ako ngayon kaya nagmukhang bata, pero sa movie, medyo nag-age ang character ko. Hopefully by September ilalabas na ito.”

Ibinalita pa ni Hero na suportado ni Bistek ang pagtakbo niya sa pagkakonsehal. ”Ibinubulong niya ako sa mga kaibigan niya sa kuwatro, inendoso niya ako at umatend pa siya sa rally namin.”

Nang matanong naman si Hero ukol sa kanyang plataporma, aniya, nakabase ito sa HERO. Ito ay ang Health, na every week ay may ibinababa siyang health caravan sa mga barangay at namimigay siya ng BMW—Bago Mong Wheelchair; Education, may scholarship program siyang nasimulan na nakaka-250 estudyante. Naaprubahan na rin ang ordinansa niyang maglalagay ang local government ng P100-M para sa mga special courses, ito ‘yung sa TESDA na vocational; Reform, bagong ordinansang gagawin; at Order, na nagpalagay si Bistek ng maraming CCTV sa barangay, para ma-monitor ang mga illegal activities, incidents, at para maprotektahan din ang mga barangay.

Sa kabilang banda, magpo-focus muna si Herbert sa kanyang mga anak pagkatapos ng termino niya bilang mayor.

Ani Harlene, ”malalaki na ang mga anak niya, catching up siya ngayon although hindi naman ibig sabihin na napabayaan niya ang mga ito. Ibig sabihin gusto lang niya to spend more time with them kasi nasa public service na siya since 15 years old. So 35 years siyang nagseserbisyo. Siguro okey lang na magpahinga siya and hindi na rin siya bumabata, may mga bagay and activities na pwedeng gawin with his kids kaya this is the right time to do that.

“Titingnan din niya ang production, sa Heaven’s Best. Mas magiging involve siya roon. Simpleng mamamayan na muna siya.”

Bukod dito, posible ring lumabas si Bistek sa pelikula at magdirehe. At posible ring gumawa silang tatlong magkakapatid ng pelikula.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *