Friday , November 15 2024

Desisyon ng SC, paiikutin lang ng Meralco?

PAIIKUTIN ng Meralco ang desisyon ng Supreme Court? Ha! Sa anong paraan nila gagawin ito? At ba’t naman nila gagawin ito sa bumubuhay sa kanilang kompanya?

Anyway, kung totoo man ito, hindi kaya tayong mga subscriber na bumubuhay sa Meralco ang magdurusa nito?

Mabuti na lang at may kakampi ang taong bayan… sa katauhan ng Murang Kuryente Party­list (MKP).

Nitong Martes, nagbabala ang MKP sa publiko tungkol sa pagtatangka ng Meralco na maikasa ang emergency power supply agreements (EPSAs).

Ano ba ang EPSAs, ito raw ay magpapalakas ng mababang suplay ng koryente sa buwan ng Mayo at Hunyo, subalit anang grupo, isa lamang paraan upang malansi ang Korte Suprema sa desisyon nitong balewalain ang masyadong mahal na PSAs.

Layunin ng EPSAs na palakasin ang naunang tantiya ng National Grid Corporation of the Philippines sa isyu ng mababang boltahe lalo sa kritikal na yugto habang ginagawa ang halalan hanggang matapos ang midterm elections sa 13 Mayo 2019.

“Ang sinasabi ng DOE (Department of Energy) dati ay handa na ang sektor ng koryente para sa eleksiyon. Bakit biglang kinakailangan ito ng Meralco,” pahayag ni MKP nominee at matagal nang energy activist Gerry Arances.

Hinihiling ng Meralco at ng mga partner nito sa petisyon, ang Millennium Energy Inc. at Therma Mobile Inc. (TMO), sa Energy Regulatory Commission (ERC) para sa PSA upang matugunan ang isyu ng mababang boltahe na tinantiya ng NGCP.

Inaasahang tatagal ang kondisyon ng EPSA sa loob nang isang taon mula 26 Abril 2019 hanggang Abril 2020.

Samantala, nagsagawa rin ang Meralco at TMO ng isang interim PSA upang mapalakas ang Luzon grid para sa buwan ng 26 Abril hanggang 25 Hunyo 2019.

“Ito ang dahilan kung bakit dapat may tututok at magbabantay sa mga electric companies sa Kongreso. Kailangan amyendahan ang EPIRA [Electric Power Industry Reform Act] para mawala rin ang mga palusot na ito,” ani Arances.

“Kalokohan ang ideya ng emergency PSA. Kung ginagawa ng mga kompanyang ito ang trabaho nila, nababantayan nila ang konsumo ng koryente at nakapaghahanda. Kung hindi maanomalya ang mga kontrata, madali maaprobahan ng gobyerno dahil walang magrereklamo. Sa madaling sabi, hindi kailangan magkaroon ng emergency PSA,” dagdag ng energy advocate.

Ibinasura ng Korte Suprema nitong Lunes ang ilang PSA na hindi sumailalim sa competitive selection process (CSP). Pito sa mga PSA ang isinusulong ng Meralco at mga partner na generation company.

Nagpetisyon ang MKP sa Korte Suprema upang kumilos kontra sa pitong maanomalyang PSA noong Marso dahil sa paniniwalang dapat dumaan sa CSP ang PSA upang maiprayoridad at mapangalagaan ang kapakanan ng mga konsumer.

“Kailangan munang siyasatin nang mabuti ang mga aplikasyon mula sa Meralco bago ito maa­probahan. Sana ay alalahanin ng ERC ang kani­lang tungkulin bilang regulator sa pagkakataong ito,” pahayag ni Arances.

Kung magkaganoon man, dapat pala na maging vigilante tayong mga nasa ilalim ng nag-iisang electric company para hindi tayo malansi tulad ng sinasabi ng MKP kung hindi tayo ang talo sa bandang huli sa inakalang murang koryente.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *