Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alex, Arnell todo-suporta kay Juan

SOBRA-SOBRA ang pagmamalasakit kapwa nina Arnell Ignacio at Alex Gonzaga sa Pilipinas kung kaya sinusuportahan nila ang Juan Movement partylist.

Kapwa miyembro sina Arnell at Alex ng grupo na ang focus ay ang ipalaganap ng nasyonalismo, pagiging makabayan, at pagbibigay halaga sa pamilyang Filipino.

Todo suporta ang dalawa sa nominees ng partylist na sina Jhun Llave, Nico Valencia, at Mark Boado.

Sobrang ganado talaga ako sa pangangampanya para sa Juan Movement dahil ‘yung wavelength ng kanilang advocacies ay pareho sa pinaniniwalaan ko. Sobra silang committed na mapabuti at mapaganda ang buhay ng mga kababayan natin,” ani Alex.

Si Alex din ang mukha at boses ng Juan Movement catchy jingle na Chambe na napapanood sa TV ang advertisement.

Nakabalik man sa pagiging ordinaryong citizen si Arnell mula sa tatlong taong paninilbihan sa gobyerno, mas lalong tumindi ang pagnanais niyang makatulong sa ating mga kababayan lalo na sa ating mga overseas worker na nasa Middle East at Hong Kong.

Naiintindihan ni Arnell ang hirap ng mga OFW na mawalay sa kanilang mga pamilya para kumita lang para sa mga mahal nila sa buhay. Isa ito sa pagtutuunan ng pansin ng JMP sa Kongreso kung manalo sila para buuin ang OFW Academy.

Hindi naman ako susuporta sa kahit sinong grupo kung hindi ko rin lang pinaniniwalaan ang kanilang mga ipinaglalaban. Ito ang nakita ko kina Jhun, Nico, at Mark kaya isinapuso ko ang pagtulong sa kanila para malaman ng ating mga kababayan ang mga adhikain ng Juan Movement,” giit pa ni Arnell.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …