Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta Chet Cuneta

Pagmumura raw ng Kuya ni Sharon, ikinadesmaya ng mga taga-Pasay

SA Villamor Air Base—pamayanan ng mga retiradong sundalo’t mga pamilya nila—napiling idaos ng Team Cuneta ang kanilang caucus nitong April 28, Sunday.

“Puno” ng tiket ay si Chet Cuneta, kuya ni Sharon.

Kung bakit naman nagkataong ang isa sa mga residente roon, a college professor, ay lagi naming ka-jamming sa mga walwalan.

Nakikabit pa raw ang kuryente ang pangkat ni Chet sa kanilang bahay (in fairness, may bayad naman).

The Megastar was at the caucus na ikinatuwa siyempre ng mga nagsidalo “Kung mahal n’yo po ako, mahalin n’yo rin po ang aking kapatid,” sey daw ni Sharon sa audience.

Ang nakuha naming feedback: desmayado ang mga um-attend at nakinig sa caucus kay Chet as he took the opportunity to tongue-lash a candidate sa pagka-Konsehal sa District 1 (na sakop ng Villamor) na personal naming kilala.

Sa katunayan, ang ancestral home ng taong binanatan ng kuya ni Sharon ay ilang tumbling lang mula sa aming tinitirhan sa Pasay City. Dati itong aide de camp ng nasirang Mayor Pablo Cuneta.

Turned off daw ang mga residente ng Villamor sa ‘di nila akalaing pagmumura nang pagkalutong-lutong ni Chet sa taong ‘yon, “Piloto ba ‘yon?” ang buong pagtatakang tanong ng mga ito.

What the Villamor residents sana wanted to hear from Chet ay ang plano nito para sa Pasay City at kung paano ito pauunlarin.

Wala raw kasing pakialam ang mga tagaroon kung anumang personal vendetta mayroon si Chet or si Sharon laban sa taong ‘yon. But instead of building him up to gain the residents’ vote of trust ay napapailing na lang daw ang mga ito.

Ang pinag-uusapan naman kasi’y kung ano ang kakayahan mayroon si Chet in trying to change Pasay City from what it is.

But how could Chet pass judgment kung hindi naman talaga siya nakatira sa Pasay City? His known address is in Makati.

Naturingan pa naman daw kasing mataas ang pinag-aralan, tapos, magmumura ka lang ng P.I. ng paulit-ulit, eh, nagkalat ang maraming bata?

Ganito na ba ang pangangampanya ngayon, Sharon, when it’s much easier to put other people down than build yourself up?

Ayon naman sa latest survey, triplehin man ang porsiyentong nakuha ni Chet ay malayo pa rin ang agwat nito sa kanyang mahigpit na kalabang si outgoing Congw. Emi Calixto-Rubiano.

Alam na.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …