Saturday , November 23 2024

Demanda ni Aiko sa Vice Gov ng Zambales, ‘di election related; Ipinaglalaban ko ito para sa dalawa kong anak

SINAMPAHAN na ng kasong libelo ni Aiko Melendez ang bise-gobernador ng Zambales na si Angelica Magsaysay-Cheng kahapon sa sala ni Ritchie John Bolano ng Olongapo Provincial Prosecutor Office.

Sa limang pahinasyong sinumpaang salaysay ni Aiko, sinabi nitong, ‘on or about May 2, 2019, in Subic, Olongapo, Zambales, complainant discovered that respondent Maysaysay-Cheng created a mobile video exhibition with online postings on Facebook.com, containing false libelous, and defamatory accusations against herein complainant, was quoted verbatim hereunder: ‘or legally separated di ba?????’ ‘Bakit ang pinakikilala ni mayor ay si Aiko? Na isa lang kabit! ‘Di ba immotality yan?????’ ‘Adultery yan di ba?????’ ‘Bigammy yan di ba?????’ ‘Sa totoo lang pwedeng-pwedenf idemanda yang dalawa’ ‘nay an nang tinay na asawa niya.’

‘Barangay La Paz salamat sa pakikinig nyo sa akin. Patuloy sa pagpapakita sa tamang daan… ‘laban natin ito para sa kinabukasan ng ating mga anak.

‘No ToNarcoPolitics

‘Kwentuhang bayan…

‘Pagpapaliwanaf sa tunay na kalagayan ng Subic at ang kinasasangkutan ng mga kinauukulan hinggil sa DROGA.’

Sinabi naman ng legal counsel ni Aiko na si Atty. Carlo Bonifacio Alentajan, “we already filed a criminal case against Angelica Magsaysay-Cheng for the crime of libel. We have already filed it to the office of the city prosecutor office and we will let this case goes to the judicial process.

This will bring the justice system if there’s crime that has been committed it should be punished.”

Sinabi pa ni Alentajan, na libel ang ikinaso nila kay Cheng dahil, “it’s malicious imputation of a crime defect against the persons of Aiko which is against the law.

“And based on the complain it was shown on social media aside from social media there has been physical movements of video tracks imputing my client for some kind of vice or malicious imputation upon her character which is totally against the law.”

Sinabi pa ng abogado ng aktres na may sapat silang ebidensiya para kasuhan si Cheng.

Iginiit naman ni Aiko na, “ang mapagbintangan ako ng isang bisyong hindi ko naman ginagawa, totally foul ‘yun. Totally malicious.”

Nilinaw din ni Alentajan na, “this is not election related. Aiko is a woman she has rights. Everybody has rights. She is also a mother of two, she just protecting her rights by filing a case.

“What more if she’s just an ordinary citizen who cannot afford a lawyer? That’s why all of us should responsible in posting or accusing anyone of any malicious imputations.”

Mensahe naman ni Aiko sa mga mahihilig mag-post ng kung ano-ano sa social media, “be careful, think before you click. Be sure you have enough evidence before you post anything. Siyempre nakakasakit talaga.

“Kaya ko rin ito ipinaglalaban dahil I have two kids.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *