Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anna Luna, inabot ng nerbiyos sa audition ng Darna

TAGA-DOS ang baguhang female star na si Anna Luna kaya isa siya sa mga nag-audition para maging Darna.

Kumusta ang naging audition niya para maging iconic Filipina superhero sa pelikula?

Okay naman ho, okay naman ho.”

Nakanenerbiyos ang experience, ayon kay Anna.

Nag-Darna costume ba siya?

Wala, walang costume po. Reading lang at saka kunwari sinasalag-salag mo ‘yung mga bala.”

Mabilis pumayag si Anna nang sabihan siya ng Star Magic na mag-audition.

Kasi parang… siguro ho kung magkaka-chance ang mga artista, lalo na ang mga kababaihan, papangarapin nila talagang mag-Darna.

“Dyusko, iyon si Darna! Sabi ko, ‘Naku kinakabahan ako!’

“Kasi  noong audition, akala ko titingnan ‘yung katawan, sabi ko hindi pa ako prepared, galing ako ng handaan,” at tumawa si Anna.

“Mga ganyan ho. Pero nag-reading lang naman ho. At saka hindi lang naman ako, marami rin akong  kasabay.”

Inci­dentally ay kaibigan ni Anna ang isa sa mga nangu­nguna sa listahan na napipisil na maging Darna, si Nadine Lustre.

Magkasabay kami simula 17 years old sa Viva. Tapos hanggang ngayon, ‘yung relasyon namin hindi dahil sa showbiz na ganoon, hindi.”

Na kahit mga artista na sila, lalo na si Nadine na sikat na ngayon, ay nanatili ang friendship nila.

“‘Yung family niya at saka ‘yung family ko, friends.”

Kaya sa taong namin kay Anna kung ano ang mayroon siya na wala si Nadine para maging Darna, “Hindi ko ho alam,” at tumawa si Ana.

Kaya kung hindi siya mapipili na maging Darna, para kay Anna, ayos lang basta si Nadine ang mapili?

Oho! Ako masaya ako dahil unang-una, kaibigan ko ‘yun.

“Dyusko! Parang ang paglipad niya ay paglipad ko na rin!”

Isa rin sa top contenders na maging Darna ay si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, ano ang mayroon si Anna na wala si Pia?

Dyusko, Miss Universe po ‘yun!

“Hindi ko kaya! Baka pag-ako nag-Miss Universe mag-Harlem lang po ko roon, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko,” at tumawa si Anna.

Si Anna ay si Anna sa Tayo Sa Huling Buwan Ng Taon na pinagbibidahan din nina Nicco Malano (as Sam), Vera (as Isa), at Alex Medina (as Frank).

Ang pelikula ay idinirehe ni Nestor Abrogena at ipalalabas sa mga sinehan bukas, May 8.

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …