PARA palang mga ‘daga’ ang Chinese nationals na namumuhay ngayon sa ating bansa.
Para silang mga ‘daga’ na kapag naihian ang isang lugar ay hindi na puwedeng makapasok ang ibang lahi, ‘yan ay kahit sila ay nasa teritoryo nang may teritoryo.
Gaya ng mga restaurant o food court na ibinunyag ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na pawang Chinese nationals lamang ang tinatanggap nilang customer.
Aba, malaking insulto naman talaga ‘yan sa ating pagka-Filipino.
Mantakin ninyo, pinapayagan silang magnegosyo sa ating bansa pero ‘ban’ ang mga Pinoy sa kanilang establisimiyento?!
Balita natin ay hindi lang ito nangyayari sa Las Piñas, sa Parañaque at sa Quezon City.
Nangyayari na rin ito sa Boracay at hindi lang isang establishment kundi marami.
Baka naman isang araw, e mabalitaan na lang natin na mayroong isang kompanya sa Filipinas na ang mga tinatanggap na empelyado ay Chinese nationals lang.
Arayku!
Paging Department of Trade and Industry!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap