Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kamukha ni Sarah, malakas ang laban sa Bb Pilipinas

WALANG kaduda-duda na ang Pilipinas ay isang pageant nation.

December noong isang taon nang koronohan ang ikaapat na Miss Universe sa buong kasaysayan nito sa katauhan ni Catriona Gray,

Agad itong sinundan ng isang malawakang search o paghahanap para sa bagong batch.

Nitong March 18 ay ipinakilala na ang 40 kandidata, anim sa kanila’y tatanghaling Binibining Pilipinas-Universe, Binibining Pilipinas-International, Binibining Pilipinas-Intercontinental, Binibining Pilipinas-Globe, Binibining Pilipinas-Supranational, at Binibining Pilipinas-Grand International.

All eyes are on this year’s the coronation night na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa June 9. Hindi siyempre maiaalis na pagkomparahin ang kokoronahang BB Pilipinas-Universe sa kanyang predecessor na si Catriona.

Pageant aficionados this early are counting on six of the 40 hopefuls.

Interestingly, isa sa Top 6 ay prettier version ni Sarah Lahbati (dyowa ni Richard Gutierrez) na si Emma Mary Tiglao (kamag-anak kaya siya ng beteranong political columnist na si Bobby Tiglao?), 24, tubong- Pampanga.

Like other candidates who have joined the BBP more than once, sumali na rin noon ang deadringer for Sarah (in most angles) noong 19-anyos siya.

Pumasok siya sa Top 15 na ka-batch niya si Mary Jean Lastimosa.

Honestly, isa si Emma Mary sa dalawang bets namin, the other being Maria Andrea Abesamis, 27, na Pilipinang-Pilipina ang dating.

This early, minarkahan na namin sila bilang mga kandidatang mangangabog ng kanilang mga kalaban.

Ang apat pang early favorites ay sina Samantha Bernardo, 26 (2013 Mutya ng Palawan Tourism); Gazini Christian Gnados, 23; Hanna Arnold, at Bea Patricia Magtanong, 24.

In fairness to these six girls, lahat sila’y matatas kung mag-Ingles, a plus factor lalong-lalo na pagdating sa much-awaited Q & A portion.

Given this Top 6 list, sino kaya ang magre-represent ng bansa sa Miss Universe na gaganapin sa South Korea?

Matatandaang SoKor din ang host country when Chat Silayan (SLN) placed third runner-up during the late 80s.

One thing’s for sure, pansamantalang titigil ang pag-inog ng mundo ng sankabaklaan sa araw ng Miss Universe!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …