Friday , December 27 2024

Ate Koring, araw-araw nanlilimos ng gatas; Pepe at Pilar bonggang birthday blessing kay Mar

DALAWAMPU mula sa mga pamangkin nina Korina Sanchez-Roxas at Mar Roxas ang tatayong ninong at ninang nina Pepe at Pilar kapag bininyagan na sila.

Ito ang masayang ibinalita sa amin ni Korina nang maimbitahan kami kasama ang ilang entertainment press para sa pre-birthday lunch kay Mar at thanksgiving sa kanilang cutie baby twins na sina Pepe atPilar.

Ani Ate Koring na kitang-kita ang saya sa pagbabahagi ng journey nilang mag-asawa sa kanilang kambal, ”kailangan mas bata ang generation, kasi ibibilin mo sa kanila, ha ha ha. Sila ‘yung sesegunda, parang resbak.”

Nakatutuwang pagbabahagi pa ni Ate Koring, hindi agad nag-sink-in sa kanya ang pagiging ina lalo na’t hindi siya ang nagdala. ”Parang medyo strange. When people are asking me, ‘are you excited?’ Hindi kaagad ako makasagot kasi parang ang busy-busy ko sa trabaho, up to the last minute before I boarded the plane, I was so busy, parang hindi mo maramdaman. Pero nang dumating ang mga bata, ay okey parang tao, humihinga siya, ganoon. Tapos hindi rin ako masyadong maka-bond because I have caregivers. Hindi naman ikaw talaga ‘yung super kasama niya, ‘di ba?

“Pero unti-unti, day by day, nadaragdagan ‘yung joy, it’s not immediate, talagang it’s build. And now they can see na, they can interactive, ayan na. Parang medyo bumubuhos na ‘yung connection, ‘yung bonding ninyo.”

Pero aminado si Korina na iba talaga ang pakiramdam ng isa nang ina. ”Oo nga. Weird ba ako? Pero even those mothers na dinala nila sa sinapupunan ang kanilang mga anak, say the same things. They set by worries. Sabi ko nga, negative ba akong tao, bakit parang sobra akong takot, worried, ano ba ito, post partum? Eh, hindi naman ako nanganak. Para rin kasi akong nagkaroon ng post partum.

“Nahuli ko nga si Mar sa ospital nakatingin ng ganyan o (nakatitig). Parang, ‘what did I do?’ so I think you get worried but you only get it one day at a time. Ask with any parent, hindi mo naman masasabi what will happen eh.”

Si Senador Mar na naiyak sa pagdating ng kanilang kambal, ang gustong  kambal ang kanilang anak.”Actually, ako gusto ko isa lang, si Mar, triplets pa. Malakas ang loob niya. I think he feels strong. Mas strong pa siya talaga sa akin eh. Paakyat kami ng bundok may 15 kilos siya sa likod niya. Ako 4 kilos lang sumusuko pa ako. Matagal na rin kasi naming pinaplano eh. Nandoon lang naman sa freezer na tinutubuan na yata ng ngipin at balbas ang mga embryo ha ha ha.

“Tutal naman kaya naman, sabi niya, tatlo na. Pero ayaw ng surrogate, kaya naging dalawa na lang. Pero kung pumayag, tatlo talaga. It’s really a miracle kasi usually ‘pag tatlo, dalawa lang kasi it’s not usual na dalawa talaga ang mag-survive, minsan nga wala, uulit ka lang ng uulit na ‘yun ang worry namin kasi baka maubusan.”

Si Sen. Mar ang nagbigay ng pangalan sa kanilang kambal na ang unang tawag nila ay Jack and Jill. Pero pinalitan nila ang pangalan nang isusulat na nila sa birth certificate naisip nilang tunog Amerikano.

Kaya naman, nauwi sa Pepe at Pilar na may tig-apat ang tunay na pangalan.

At nang tanungin namin kung sino ba ang kamukha ng kambal, sagot ni Ate Koring, ”Ipinauubaya ko na ‘yan sa tumitingin, ha ha ha. Kasi ‘yung part ni Mar sasabihin nila kamukha nila, tahimik na lang ako, kasi alam ko, ako ang kamukha, ganoon.”

Samantala, nagkukumahog pala sa pagkuha ng gatas ng ina si Ate Koring.

Pagsi-share ni Ate Koring, nalumpo siya sa sobrang mahal ng gatas sa Pittsburg. ”Literally, pang-shopping ko na lang ipinambili ko pa ng gatas. Sobrang mahal ng gatas sa Amerika. I insists that they are really on breastmilk dahil talagang everybody says, ako praning ako sa sakit, so breastmilk really increase there resistance, mas matalino, you know everything.  

“Imagine, tatlong buwan na araw-araw akong nanlilimos. Pine-pressure ako ng mga nurse ko, ‘ma’am may gatas pa ho ba tayo?’ Saan ako kukuha ng gatas sa araw na ito?

“May breastmilk bank naman tayo kaso kaunti lang ang ibinibigay nila dahil marami ang nangangailangan. And you can’t buy. Ayoko namang kumuha sa ospital kasi idino-donate ‘yan para sa mga pre-mature babies ayoko nang makiagaw doon.

“So I have friends or the daughter of my barkada na mayroon nang mga baby, doon ako nakikihingi. May viber thread ‘yan na young mothers. May matrix ako, pinadadalhan ko sila ng malunggay capsule, breastmilk bag, lactatious cookies.

“Kumakatok talaga ako sa kanila at nakatutuwang nagbibigay naman sila,” masayang pagbabahagi pa ni Ate Koring na aniya’y plano niyang pasusuhin ng gatas ng ina sina Pepe at Pilar hanggang dalawang taong gulang.

Sa kabilang banda, grand slam homerun win para sa kanilang mag-asawa na nakamit na ni Mar ang kanyang pangarap para sa kanyang kaarawan sa pagdating ng mga fraternal twins.

Ipinanganak sina Pepe at Pilar noong Pebrero 12, 1:00 p.m. sa Pittsburgh, USA. Unang ipinanganak si Pepe at 5.4 lbs. habang ipinanganak naman si Pilar matapos ang isang oras at 4.10 lbs.

Parehong mahilig sa mga bata sina Mar at Koring, at ngayon, sariling mga anak na nila ang kanilang mamahalin at aarugain.

“Although I’ve always loved children, there was a time I thought it wouldn’t happen anymore. Pero halos hindi ko basta basta tinatanggap ang salitang ‘imposible.’ Roon lang tayo makakasiguro na ginawa natin ang lahat. Oo, nagdasal ako. But we did the work God blessed our efforts. Mar is inspired to lead his children to how he defines as a best life,” sabi pa ng napakaligayang si Korina.

Umaasa sina Mar at Korina na magabayan sa wastong pagpapalaki ng kanilang mga anak. Nais nilang palakihin ang kanilang mga anak na maging responsable, mapagmahal, maawain, at God-fearing na mga indibidwal.

“Tinatanong ako kung ano ang pangarap ko para sa aming mga anak. Gusto ko silang gabayan sa isang direksiyon. I want to see what they will love and be good at. So, my role really is to get them to develop to the fullest whatever potentials they show. But the most essential is to be a good person, helpful to people, compassionate, purposeful, God fearing, and inspiring. If you are that, you are happy. Ang kaligayahan ang depinisyon ng tagumpay,” sabi naman ni Mar.

Tunay ngang mas naging makulay at kapana-panabik ang buhay nina Mar at Korina dahil sa maliliit na anghel na iniregalo sa kanila ng langit. Ito ang bagong yugto sa buhay nina Mar at Korina – isang yugto na mas purpose-driven, puno ng pagmamahalan at tawanan, na kanilang mararanasan sa napakaraming taon.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *