Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aly in, Sheki out bilang center girl ng MNL48

MASAYANG-MASAYA si Aly o Jhona Alyanah Padillo na siya na ang pinakabagong Center Girl ng all-female group na MNL48. Dating Ranking at 26 sa first year’s General Election si Aly kaya naman ganoon na lamang ang pasasalamat niya sa fans na sumuporta sa kanya.

Ang dating Center Girl na si Sheki ay bumaba naman sa number 4 spot.

Ngayong taon, 48 sa 77 kandidata ang pinili ng fans sa pamamagitan ng isang voting system para maging opisyal na Second Year members ng MNL48 at si Aly ang nakakuha ng pinakaraming boto.

“Sobrang nakatataba po talaga ng puso. Hindi ko po talaga inaasahan ‘yung naging resulta kasi marami po akong kilalang deserving sa spot na ito.

“Kaya po ngayon bilang Center Girl, maaasahan po nilang gagawin ko ang best ko at magiging responsable sa aking posisyon. I take this as an opportunity po para maipakita pa ‘yung ibang side ko aside from my cute image,” pagtitiyak ni Aly.

Napunta naman sa second rank si Sela at rank 3 naman si Abby.

“It’s cliche pero kasi kapag nandito ka na ang hirap nang umalis because you love what you’re doing kaya nagpapasalamat ako sa fans ko na patuloy na naniniwala sa akin,” sambit naman ni Sela.

“Sobrang hirap po talaga mag-campaign lalo na’t may iniingatan kang imahe, hindi tulad noong First Generation na kung saan-saan kami pumupunta para magpa-vote. Ngayon hihintayin mo talaga kung sino ‘yung taong susuporta sa ‘yo.”

Samantala, hindi naman masama ang loob ni Sheki (Shekinah Arzaga) sa pagkakatanggal bilang Center Girl dahil una pa ma’y alam niyang hindi permanente ang pagiging CG ng MNL48.

“Una palang naman po talaga, sinabi na ng management na hindi po talaga ako permanent, hindi po palaging ako ang center.

“Lagi po nasa isip namin na kailangan din po natin ibigay sa ka-members po natin para lahat po kami magkaroon ng exposure, maipakita po namin ang mga talent namin,” esplika ni Sheki.

Aminado naman si Sheki na hindi siya pa sanay na hindi na siya ang CG. ”Aaminin ko po na hindi pa po ako sanay (na hindi na center girl) dahil one year din po ‘yun but it’s been an honor for me na maglingkod sa grupo. And ngayon na new chapter na, sana po patuloy pa rin ang maging suporta sa amin ng supporters namin.”

Sa kabilang banda, naghahanda na ang MNL48 para sa kanilang 4th single na iri-release na. Ang official ranking na ng MNL 48 ay ang sumusunod: Aly, Sela, Abby, Sheki, Sayaka, Jamie, Alice, Ash, Rans, Faith, Jan, Gabb, Jem, Kyla, Grace, at Rowee.

Si Thea na nasa 17th spot naman ang magli-lider sa Under Girls (Top 17-32) at bilang Center Girl sa side track ng susunod nilang single.

“I’m thankful po na maging Rank 17 at maging Center Girl ng coupling song ng fourth single dahil this time po maipakikita ko na ‘yung kakayahan ko unlike last year na limited lang ‘yung kaya kong ma-showcase kasi Rank 45 ako,” sambit ni Thea.

Ang mga miyembro namang nasa Top 16 o mas kilala bilang Senbatsu ang magpe-perform ng 4thsingle ng MNL48 na pangungunahan ng kanilang Center Girl na si Aly na ire-release sa July.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …