Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vico Sotto, tiwalang handa na ang Pasigueños sa pagbabago!

AMINADO si Vico Sotto na hindi niya hilig ang showbiz dahil ang gusto niya talaga mula nang bata pa ay ang magtrabaho sa gobyerno at makatulong sa mga tao.

Ayon sa anak nina Vic Sotto at Coney Reyes, ang nakaimpluwensiya sa kanya mainly ay kapatid sa ina na si LA Mumar na eleven years ang age gap nila.

Si Kuya LA niya ay Development Studies major at mula sa school daw, ang mga natutuhan niya ay itinuturo sa kanya. Kaya sa murang edad ay na-expose si Vico sa government related subjects at ang interes niyang ito ay nag-develop daw sa passion para sa isang mabuting paggogobyerno.

 Kahit daw elected, appointed, o career officer, ang puso niya ay talagang nasa paglilingkod sa gobyerno. Kaya mula sa pagiging Konsehal sa Pasig, nanindigan si Vico na panahon na para ayusin ang luma at bulok na sistema sa kanilang lugar.

 “Nakita ko po iyong panga­ngailangan sa Pasig City na may tumindig laban sa kasa­lukuyang pa­milya, kung hindi po ako tumakbo ay walang ibang tatakbo. At dahil nakita ko po iyong mga nangyayari, specially ang kultura ng pananakot sa Pasig City at pang-aabuso ng kapangyarihan, sabi ko bago matapos ang deadline ng filing para sa kandidatura, sabi ko, ‘Hindi ako papayag na walang lalaban.’”

Nabanggit ni Vico na masaya siya sa nakukuhang suporta sa mga kababayan niya sa Pasig. “Im very overwhelm with the response of the Pasigueños, mukhang handa na ang Pasigueños sa pagbabago,” saad niya.

 Pangako rin ni Vico na hinding-hindi siya magbu­bulsa ng pondo ng bayan. Ang tanging ilalagay daw niya sa kanyang bulsa ay suweldong nakalaan sa kanya bilang alkalde.

Si Vico ay graduate ng Political Science sa Ateneo de Manila University at may Master’s Degree in Public Management sa Ateneo School of Government.  Kabilang sa limang tutu­tukan nang husto ni Nico kapag pinalad na maka­paglingkod sa Pasig ay 1. Kalusugang pang­ka­lahatan, 2. Pabahay, 3. Edukasyon, 4. Konsultasyon bago aksiyon, at 5. Laban kontra korupsiyon.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …