Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nadine, handang mag-Darna — I’m not expecting anything, i’m not assuming

HINDI assuming. Ito ang nilinaw ni Nadine Lustre sa usaping ibibigay sa kanya ang Darna.

Pero iginiit ng batang aktres na handa siya sakaling ibigay sa kanya ang proyekto.

Anang FAMAS best actress, “I’m not expecting anything, and I’m not the kind of person who’s assuming. Alam ko naman po ibibigay nila ‘yung role sa taong deserving. ‘Pag sinabahan po ako, gagawin ko. I’m very open to everything. I would want to do it.”

Hindi naman itinanggi ni Nadine na interesado siya sa proyekto.

Handa ako, pero kasi malaking responsibilidad po ‘yun, eh. Siyempre si Darna ‘yun. Hindi ka puwedeng magkamali kaya dapat paghandaan talaga. 

“And I know na mahirap ang training niyan dahil naikuwento sa akin ni Liza (Soberano) ang mga ginagawa niya before na mag-backout siya.”

Sinabi pa ni Nadine sa thanksgiving presscon ng Viva Artists Agency (VAA) sa pagkapanalo niya ng Best Actress sa FAMAS para sa pelikulang Never Not Love You, hindi pa siya sinasabihan ni Boss Vic del Rosario ng Viva para mag-audition.

Sino ba naman ang hindi gugustuhin na gumanap na Darna, she’s a Filipino icon, a symbol of hope, and a protector, at para ihalintulad ako ng mga tao sa kanya, it’s amazing,” sambit pa ni Nadine.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …