ITINANGHAL na Mr Gay World 2019 ang kandidato ng Pilipinas na si Janjep Carlos bukod sa pagkasungkit ng Best In National Costume na ginanap sa Cape Town, South Africa kahapon.
Maaalalang ito ang pangalawang pagkakataon na naiuwi natin ang titulong Mr. Gay World na unang napanalunan ni John Raspado noong 2017. Naging runner-ups ni Janjep sina Francisco Alvarado, ng Spain (1st); Oliver Pusztan, ng Hungary, (2nd); Cjayudhom Samibat, ng Thailand (3rd), at Nick Van Vooren ng Belgium, (4th).
Pumasok naman sa Top 10 sina Australia—Rad Mitic, India —Suresh Ramdas, Brazil—Raphael Dos Anjos, Ireland—Guilherme Souza, at Japan—Tiger Shigetake.
Kasamang bumiyahe ni Janjep sa South Africa ang National Director ng Mr Gay World Philippines na si Wilbert Tolentino gayundin si Raoul Barbosa.
MATABIL
ni John Fontanilla