Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alex G., naloka sa tsikang binayaran para iendoso ang JMP

IKINALUNGKOT ni Alex Gonzaga ang paratang na binayaran siya ng malaking halaga para iendoso ang Juan Movement Partylist na tumatakbo sa darating na May elections.

Ani Alex, walang basehan ang paratang sa kanya dahil mula’t sapul ay miyembro siya ng grupo bago pa man ito tumakbo bilang partylist. Naging malapit ang kapatid ni Toni Gonzaga kina Jhun Llave, Nico Valencia, at Mark Boado, nominees ng JMP.

Hindi ba pwedeng tumulong ng kusa dahil iisa ang gusto naming lahat sa grupo at ito ay mapagbuti pa ang bansa natin,” giit ni Alex. “Nakakaloka nga na pati picture ko ginawan ng issue. Picture lang ‘yun, ipagdadamot ko pa, ano ba? Nakakaloka.”

Napaka-aktibo ni Alex sa pangangampanya sa grupo dahil bilib na bilib siya sa advocacies at mga ipinaglalaban ng grupo lalo na ang ibayong pagmamahal sa bayan at ang pagbibigay halaga sa pamilyang Filipino.

Katuwang ni Alex si Arnell Ignacio sa pangangampanya para sa JMP na naniniwala rin sa mga isinusulong ng partido. Miyembro rin si Arnell ng grupo kaya dinipensahan ng host/comedian ang aktres.

Foul namang palabasing mukhang pera si Alex,” anang komedyante. “Eh ‘di sana paratangan din akong mukhang pera. Alam ko na malinis ang konsiyensiya namin ni Alex at gusto lang naming dalawa na mapabuti ang Pilipinas,” sambit pa ni Arnelli.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …