Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vice mayoralty candidate Monsour del Rosario, mahal ng mga taga-Makati!

NASA home­stretch na halos ang kampan­ya sa nalalapit na eleksiyon. Abala na at kanya-kanya nang diskarte ang mga kandidato para ma­kom­binsi ang mga botante sa halalan sa Mayo 13.

Sa Makati, mainit ang laban ng magka­patid na Binay. Pero isa sa mga dapat pag­tuunan nang pan­sin ang Vice Mayor seat. Kumakan­didato rito bilang Vice Mayor si Monsour del Rosario na kasalu­ku­yang Cong­ress­­man ng unang Dis­trito ng Makati. Kasama siya sa tiket ni Mayor Jun Binay.

Mainit ang pagtanggap ng mga taga-Ma­kati sa kampan­ya ng Olympian at Chef de Mission ng Philippine Sports Team na si Monsour. “Nakaka-touch na makitang mahal tayo at tinatanggap tayo ng mga tao. Minsan may lalapit at magsasabi sa atin na salamat at hindi natin iniwan ang lungsod. Ang iba naman nagpapa­salamat dahil natulungan natin sila. Hindi ko ito makakalimutan. Hindi dapat kalimutan ng mga halal na kandidato na responsibilidad nila ang kapakanan ng bawat tao sa lungsod,” masayang sabi ni Monsour.

Idinagdag din niya na marami siyang gustong gawin pag-upo bilang vice mayor ng Makati. “Pangarap ko na magkaroon ng first class na serbisyo rito sa Makati. ‘Yung hindi na pahihirapan ang mga tao. Hindi ka papapilahin nang pagkahaba-haba para lang sa medical assistance.

“First Class na edukasyon, hindi lang basta bigay nang bigay ng kung ano-ano, kundi sa kalidad mismo. First Class na public facilities. First Class na peace and order! Lahat ‘yan, kayang-kayang gawin. Kung may P18 billion na budget kada  taon ang Makati, hindi dapat ganito ang patakbo sa lungsod,” seryosong wika ni Monsour.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …