Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marion, Marlo, Lance, atbp, tampok sa benefit show ng TEAM sa Historia Bar ngayong Linggo

TAMPOK ngayong Linggo, May 5, sina Marion Aunor, Marlo Mortel, Lance Raymundo at iba pa sa gaganaping benefit show ng TEAM (The Entertainment Arts & Media) na pinama­ga­tang Dibdiban Na ’To (A Benefit Show for Breast Cancer Patients). Gaganapin ito sa Historia Bar, 8pm.

Beneficiary dito ang Philippine Foundation for Breast Care, Inc., na isa ang comedian/talent manager na si Ogie Diaz sa board of director.

Ang iba pang performers dito ay sina Janah Zaplan, John Rendez, Kiel Alo, Dante Salamat, Erika Mae Salas, Lester Paul, at Ms. Faye Ta­ngo­nan. Hosted by Eat Bulaga’s BakClash Janel Alonzo at Ms. Q&A finalist ng It’s Showtime, Dionisia Clara Delafuente, directed by Throy Catan.

Isa si Marion sa pinaka-in demand na singer/songwriter ngayon. Asahang kakantahin niya ang ilan sa kanyang hits tulad ng Akala na umabot na sa higit 17 million streams.

Samantala, malapit kay Marlo ang beneficiary ng show dahil ang mahal niyang ina ay namatay sa breast cancer. Kaya posibleng maging emotional siya sa Sunday.

Si Lance naman ay isa sa pinakaabalang artist ngayon sa industriya. Matapos ang suc­ces­sful stage play niyang Martir Sa Golgota ni Direk Lou Veloso, isa siya sa hosts sa katatapos na FAMAS awards night. Plus, dalawang pelikula ang katatapos lang niyang gawin, ang advocacy film ni Direk Romm Burlat na Bakit Nasa Huli ang Simula at ang pinag­bibi­dahang still untitled movie under master director Elwood Perez.

Anway, ang tickets para sa Dibdiban Na ’To ay P600 at P1000 for VIP/Sponsor. For inquiry, please call or text 4543458/09158507388 /09082347688. Salamat sa sponsors: Dr. Ramon Ramos of La Salette Medical and Diagnostic Center, Dia Lumina, PR Diamond Point Realty, Mr. and Mrs. Boyet & Dencie Zaplan, BG Productions of Ms. Baby Go, Pasig River Rehabilitation Com­mis­­sion (PRRC), Beauty Zone Facial and Spa, Mesa Restaurant, Morato QC, Above Aesthetics, Frontrow, TJC, Throycath Travel and Tours Agency, Dental First Inc, People’s Balita Showbiz, at Showbiz News Intrigues (SNI) talk show.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …