PAGKARAAN ng 22 taong walang diplomatic representations sa bansa, ang Embahada ng Hungary ay ipinagbubunyi ang pagkakabalikan nila ng Philippines sa pamamagitan ng friendly women’s basketball game sa pagitan ng Hungarian Youth Team at ng ating youth team dito sa Manila.
Ang aktibidades ay parte ng Memorandum of Understanding sa Sports Coordination sa pagitan ng Philippine Sports Commission at Hungary, sa naging Joint Economic Meeting ng dalawang bansa sa Budapest noong Abril 3.
Ang Ambassador ng Hungary to the Philippines na si Dr. Jozsef Bencze ay inanunsiyo sa welcome dinner na inahain ng PSC nitong Miyerkoles na si Dr. Tamz Sterbenz, ang Vice Rector for General Affairs ng University of Physical Education sa Budapest ay nakipagkasundo sa relasyong pang-sports sa Ateneo de Manila University na nag-host ng friendly basketball games at nag-provide ng quarters sa Hungarian women’s basketball team na mula sa University of the Physical Education-Budapest.
Ayon kay Assistant Director of ADMU Athletics Office Ms. Erica Dy, ang nasabing agreement sa kanilang unibersidad ay isang magandang hakbang para maging tulay sa pagitan ng dalawang nasyon. “This proves that sports is a vehicle to bridge boarders and allow us to work together and do our little part to make this place a better place,” dagdag niya.
Si Dir. Jeffrey Valdez ng Department of Foreign Affairs-Office of Europian Affairs ay naroon at naniniwala na ang sports ay isa sa unang kasunduan na pinirmahan sa Philippines-Hungary Joint Economic Meeting para sa magandang relasyon.