“KAILANGAN kong alagaan ang aking kalusugan and feel good about myself before bago ako magpamudmod ng pagmamahal sa aking pamilya at karera.” Ito ang pahayag ni Sylvia Sanchez kaugnay sa pagpirma nitong muli ng kontrata sa Beautederm.
“Beautederm makes me feel beautiful inside and out. Ilang taon nang bahagi ang Beautederm ng aking daily regimen.
“Hindi ito pumalya sa pag-refresh at pag-invigorate ng aking kutis. Nagpapasalamat ako kay Rei (Tan) sa tiwala.
“Hindi lamang ako endorser dahil depot seller na rin ako sa hometown ko sa Butuan City. The brand has given countless women jobs that they can be proud of and that enables them to help their families,” sambit ni Sylvia.
Ilan sa ambassador ng Beautederm ay sina Marian Rivera, Arjo Atayde, Carlo Aquino, Ejay Falcon, Alma Concepcion, Alex Castro, Shyr Valdez, Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Rochelle Barrameda, Jimwel Stevens, Maricel Morales, Sherilyn Reyes, Jestoni Alarcon, Kitkat, Boobay, Alynna, Luke Mejares, Dessa, Jinky Vidal, Anne Feo, Darla Sauler, Pauline Mendoza, Ryle Santiago atbp..
(JOHN FONTANILLA)