IBANG Sharon Cuneta ang mapapanood sa pelikulang Kuwaresma, pang-Mother’s Day presentation kapareha si John Arcilla.
Tapos na ang karaniwang papel ni Sharon na pakanta-kanta, pasayaw- sayaw, drama, at walang humpay na paghahabulan sa ilalim ng mga punongkahoy sa mga love story na ginawa niya.
Ngayo’y horror movie naman ang haharapin ni Sharon at masaya siya. Masuwerte nga sila dahil sa Baguio City nag-shooting, malamig ang klima unlike sa Manila na akala mo katabi ng pugon ang weder. At take note pangarap pala ni John na makapareha si Shawie. Akala ng marami puro mestiso looking guy na lang ang puwedeng ipareha kay Sharon.
Hindi man mestiso si John, magaling namang umarte at may imaheng si General Luna.
Noong una, balak nilang sampung araw lang ang shooting days ng Kuwaresma pero naging 29 dahil bumigat ang istorya na idinirehe ni Eric Matti.
Rey, ‘di nagpatalbog sa Ang Probinsyano
NAGULAT ang mga tagahanga ng tinaguriang Provincial Superstar noon na si Rey Malonzo, dating mayor ng Caloocan nang lumabas sa teleserye ni Coco Martin, ang Ang Probinsyano.
Hindi naman nagpatalbog si Rey dahil isang general ang kanyang papel. Problema lang kaduda-duda ang kilos at galaw niya dahil parang against sa pangulo ng Pilipinas na ginagampanan ni Rowell Santiago.
Maraming fans ni Rey ang natutuwa na napanood nila finally ang kanilang dating idolo.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales