Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ben, babae lang ang kayang patulan

WAGAS naman kung makapagsabi si Ben Tulfo na laos na si Regine Velasquez just because nagbigay ito ng comment tungkol kay DFA Secretary Teddy Boy Locsin on the giant clams issue.

Tulad ng bawat isa sa atin, may karapatan tayong magpahayag ng ating mga saloobin sa ating kapaligiran.

And it seems that the most current issue ay may kaugnayan sa mga Chinese, mula sa mga mangggawa, establisimyentong eksklusibo lang para sa kanilang mga kalahi pero nakatirik naman on Philippine soil, ang pag-aangkin ng bansang China sa ilang karagatan sa bansa and many more.

Isang entertainer si Regine. In fact, a topnotch one. Pero hindi ibig sabihing porke’t isang hamak lang siyang mang-aawit, that should prevent her from saying her piece.

At ano naman ang sama sa komento ng Asia’s Songbird kay Locsin? Kailan pa naging isang krimeng pumuna ng isang ooisyal ng gobyerno? Is it because maka-Duterte si Locsin?

Ang lakas din naman ng loob ni Ben Tulfo na sabihing “dwindling” na ang career ni Regine at nakikisawsaw sa isyung wala siyang sapat na kaalaman?

Ow, talaga lang, ha? Gaano ba katalino at well-versed si Ben when it comes to foreign affairs? Kasi, kung magaling din pala siya, he should have been appointed to the DFA post, hindi si Locsin!

Teka, maiba tayo.

Ano na nga pala ang nangyari sa kinakaharap na kaso ng Tulfo silbings na may kinalaman sa advertising contract? Naklaro na ba ang pangalan ni Ben, her sister Wanda included?

And what does Ben know about Regine’s career? Nasubaybayan ba niya ang payak na simulain ng singer from Bulacan?

Paano niyang nasabing laos na ang maybahay ni Ogie Alcasid? Dahil ba lumipat ito sa ABS-CBN?

For sure, ang parunggit ni Ben tungkol sa entertainers in general ay aani ng sandamakmak na batikos. Ni-”lang-lang” niya kasi ang hanay ng mga ito na aniya’y mag-focus na lang sa pag-e-entertain at huwag nang makisahog pa sa mga isyu.

Aba, ‘di hamak namang mas gusto na namin ang mga artist na mulat ang kaisipan sa mga kaganapan sa bayan kaysa nakatunganga lang, o sadyang tikom ang bibig dahil mga DDS sila.

Salamat at may knight in shining armor si Regine sa katauhan ni Ogie. Sa kabila ng pagbatikos ni Ben sa kanyang misis ay magalang pa itong sinalag ng balladeer, even addressing Ben as sir.

Kalalaki kasi itong si Ben pero babae lang ang kayang patulan!

Pwe!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …