Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sino Ang Maysala?, wagi agad sa rating

TINUTUKAN agad ng mga manonood ang pinakabagong Kapamilya primetime serye, Sino Ang Maysala?: Mea Culpa dahil sa pagtatala nito ng 22.2%, sa unang episode nito sa national TV rating ayon sa datos ng Kantar Media.

Hindi naman kataka-taka dahil kapana-panabik agad ang mga eksena na nagsimula ang pagtakas ng anim na magkakaibigan mula sa isang krimen.

Nakakuha lamang ang katapat nitong Love You Two ng 13.9%.

Bukod sa telebisyon, marami rin ang sumubaybay online sa pagsisimula ng serye kaya naman pumwesto ang hashtags na #SAMGabiNgKrimen at #SinoAngMaySala sa top trending topics ng Twitter. Katunayan, tinawag pa ito ng ilang netizens na “super intense,” “bold,” “exciting, at “a masterpiece.”

Ipinakita ang buhay ng mga law student na sina Juris (Bela Padilla), Andrei (Tony Labrusca), Gaylord (Sandino Martin), Greco (Kit Thompson), Lolita (Ivana Alawi), at Bogs (Ketchup Eusebio) nang magdiwang ang mga ito sa Baguio matapos pumasa sa bar.

Sa kalagitnaan ng pagsasaya, nauwi sa aksidente ang kanilang road trip nang mabangga at mapatay ang isang babae. Nagtalo-talo ang anim kung iiwan ba o pananagutan ang krimen.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …