Thursday , December 26 2024

Sen. Grace Poe ‘ginagapang’ ni Villar sa No. 1 “The Good One” nalaglag

MUKHANG hindi papayag si Madam Cynthia Villar na hindi makopo ang numero uno sa senado.

Kaya nakapagtataka pa ba kung magpantay na sa pinakahuling Pulse Asia survey sina reelectionist senators Grace Poe at Cynthia Villar?!

Ang ‘running joke’ nga ngayon, mukhang mga empleyado sa Villar’s subdivisions, malls and coffee shops ang nainterbyu ng Pulse Asia kaya nakakuha ng 50.5 percent of votes si Madam Cynthia.

Homaygad!

Napakaliit na lang ng lamang ni Senator Grace sa 51.7 percent of votes. Halos wala nang dalawang linggo at hayan na ang eleksiyon.

Hindi tayo magtataka kung araw-araw ay may lumabas na survey hanggang bago 14 Mayo.

Umestedi na si Pinunong Lito Lapid a.k.a. Leon Guerrero sa numero tres na nakakuha ng 45.7 percent. Hindi rin nalalaglag sa ika-apat ang nagbabalik sa senado na si Pia Cayetano.

Pasok na pasok na sa panglima si SAP Bong Go na naungusan pa si Sonny Angara na pumuwesto sa ika-anim.

Hindi na rin nalaglag si Bong Revilla, kasunod si Bato dela Rosa, Nancy Binay, Koko Pimentel, Imee Marcos, Jinggoy Estrada, Bam Aquino at JV Ejercito.

Arayku!

Sa dulo nakapuwesto si ‘the good one” na mabuway na mabuway ang kinalalagyan dahil kasunod pa niya ang mga puwedeng makaakyat sa Magic 12 na sina Serge Osmeña, Mar Roxas, Francis Tolentino, at  Juan Ponce Enrile.

Anyare kay “the good one?”

‘Yan na nga ba ang sinasabi natin. Imbes dalawa silang mag-utol na nakapasok sa Magic 12, nailaglag pa siya ng kanilang supporters dahil sa maling pasaring at patutsada sa kanyang utol.

Huwag tayong magtaka kung magkaroon ng ‘malalaking’ twist sa huling dalawang linggo bago mag-eleksiyon sa 14 Mayo.

Kaya kayong mga pasok sa “Magic 12” huwag na huwag kayong katitiwala…

Kayod pa!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *