Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paninira kina Aiko Melendez at Jay Khonghun, balewala sa mga taga-Zambales!

WA-EPEK at nag-boomerang pa sa mga kalaban ng boyfriend ng award-winning actress na si Aiko Melendez na si vice gubernatorial can­didate Jay Khonghun ang mga paninira ng katunggali nito sa politika sa lalawigan ng Zambales.

Talagang gising na at aware na ang mga tao sa probinsiya dahil siguro sa kasikatan ng social media at hindi na sila nagpapaniwala sa black propaganda.

Kasi, kahit saan magpunta sina Aiko at soon-to-be Zambales vice governor Jay ay walang narinig na pangungutya mula sa tao, sa halip ay inaakap nila ang dalawa at pinapakinggan ang kanilang mga inilalatag na plano at plataporma para sa Zambales.

Sabi pa ni Aiko, hindi talaga sila nagpa­paapekto ng boyfriend na si Jay sa ngalngal ng kalaban dahil wala naman itong katotohanan. Sa post niya sa Facebook, tila nagpakalat ng trolls ang mga ito para talagang siraan sila. “Sipag ga­wa ng mga kalaban ng hate accounts? Haha­hahaha di kayo busy? Ikot kayo sa mga barangay dapat para makita n’yo situation sa bawat bayan. Habang kami halos puyat makita lang mga tao,” saad pa niya.

Post din ni Jay sa kanyang Face­book na Jay Khonghun, “Plataporma, Pagtulong, Plano At Serbisyo Para Sa Zambales… “Hindi Paninira At pag yurak Ng Dignidad Ng Kapwa. “Salamat po sa Inyong pag tanggap. Tuloy tuloy ang Pagtulong At pagsulong Zambales.”

Naniniwala ang dalawa sa kasabihan ni Bobby J. Mattingly na, “If you have to hurt other people in order to feel powerful, you are an extremely weak individual.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …