Saturday , November 23 2024
Cebu Pacific plane CebPac

Pagbabago sa flight schedules inianunsiyo ng Cebu Pacific & Cebgo

SANHI ng mga hindi inaasahang paggambala sa operasyon, nakaranas ang mga pasahero ng Cebu Pacific ng extended delays at kanselasyon sa mga flights.

Dahil dito, humihingi ng paumanhin ang Cebu Pacific sa abalang idinulot nito sa kanilang mga pasahero.

Sa kabila nito, sinikap ng airlines na mabawasan ang mga hindi inaasahang abala sa mga pasahero nitong nakaraang linggo.

Napag-alaman din kinakailangan bawasan ang mga flight upang maiwasan ang karagdagang abalang maaaring idulot ng kasalukuyang sitwasyon sa operasyon ng Cebu Pacific.

Upang lumuwag ang schedule ng kanilang operational recovery at mabawasan ang rolling delays, kinakailangan makansela ang mga sumusunod na flight ng Pacific at Cebgo sa mga petsang 28, 29 at 30 Abril 2019:

 

28 Abril (Linggo)

5J325/5J326               Manila-Legazpi-Manila

5J655/5J656               Manila-Tacloban-Manila

5J979/5J980               Manila-Davao-Manila

5J471/5J472               Manila-Bacolod-Manila

5J861/5J862               Manila-Zamboanga-Manila

5J467/5J468               Manila-Iloilo-Manila

5J631/5J632               Manila-Dumaguete-Manila

5J395/5J396               Manila-Cagayan de Oro

(Laguindingan)-Manila

 

29 Abril (Lunes)

DG6657                      Cebu-Zamboanga

DG6989                      Zamboanga-Tawi-Tawi

DG6990                      Tawi-Tawi-Zamboanga

DG6658                      Zamboanga-Cebu

5J791/5J792               Manila-Butuan-Manila

5J705/5J706               Manila-Dipolog-Manila

DG6503/DG6504        Manila-Cebu-Manila

5J991/5J992               Manila-General Santos-Manila

5J641/5J642               Manila-Puerto Princesa-Manila

 

30 Abril (Martes)

DG6416/DG6417        Cebu-Iloilo-Cebu

DG6573/DG6574        Cebu-Tacloban-Cebu

DG6603/DG6604        Cebu-Dipolog-Cebu

5J781/5J782               Manila-Ozamiz-Manila

5J551/5J552               Manila-Cebu-Manila

5J373/5J374               Manila-Roxas-Manila

5J513/5J514               Manila-San Jose-Manila

 

Makatutulong ang mga nabanggit na flight cancellations sa pag-stabilize ng flight timings, pagpapabuti ng on time performance, at maiwasan ang abala sa mga pasahero.

Kagaya ng mga naunang kanselasyon, ang mga sumusunod ang maaaring gawin ng mga apektadong pasahero:

  1. Libreng pag-rebook ng flight na maaaring hanggang 30 araw mula sa orihinal na original departure date.
  2. Makakuha ng full refund.
  3. Ilagay ang buong halaga ng ticket sa Travel Fund ng pasahero
  4. Ma-re-route patungo o mula sa ibang paliparan na maaaring gamitin 30 araw mukla sa orihinal na departure date at kung may bakanteng seat sa napiling flight.

Bukod sa mga nabanggit, makatatanggap ang mga pasahero ng mga kanseladong flight ng one round-trip travel voucher na maaari nialng magamit sa mga susunod nilang biyahe.

Para sa mga pasaherong nais mag-rebook, magpa-refund, o ilagay ang halaga ng ticket sa Travel Fund, maaari silang magpunta sa “Manage Booking” section ng Cebu Pacific website (https://bit.ly/CEBmanageflight).

Maglalabas din ang Cebu Pacific ng listahan ng flight na makakansela kung magkakaroon pa.

Dagdag ng airlines, gagawin nila ang lahat ng paraan upang maabisohan nang maaga ang mga pasaherong maaapektuhan ng kanselasyon na ipadadala sa kanilang mga email address at mobile numbers na kanilang ibinigay nang magpa-book ng kanilang flight.

Sa pamamagitan nito, hindi na kailangang magtungo ng mga pasaherong may kanseladong flight sa paliparan at magagamit nila ang self-management feature ng website ng airlines.

Gayonpaman, patuloy na nakikiisa ang Cebu Pacific sa airport authorities, regulatory agencies at iba pang stakeholders upang maging mas kasiya-siya ang serbisyong kanilang inihahatid sa mga pasahero.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *