Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

KathNiel tinalo na raw ng MayWard, DonKiss

ANG buong paniniwala namin, sa mah-jong lang talaga nangyayari iyong tinatawag nilang “todo ambisyon.”

Aba ngayon maski sa showbiz pala may ganyan na rin.

Hindi lang pala iyong AlDub ang sinasabing tinalo na niyong MayWard at DonKiss. Isipin ninyong sa listahan na sila ang nangunguna, number 3 ang Aldub, number 4 lang ang LizQuen, at ang pinakamatindi  number 5 lang daw ang KathNiel. Ha? Sinong lasing ang nagsabi niyan?

Ang batayan lang nila ay sila raw ang may pinakamaraming post sa isang social media platform. Ibig bang sabihin niyon ay sikat na sila? Sige nga pagawin ninyo ng pelikula ang mga iyan kung may maaani kahit na kamote o kalabasa man lang?

Iyong KathNiel ang nakapagrehistro ng box office record of all time. Walong daang milyong piso ang kinita ng kanilang pelikula noong nakaraang taon. Kahit na sinong superstar, hindi umabot sa P800-M. Tapos sasabihin ninyo number 5 dahil sa rami ng post ng trolls?

Iyong LizQuen, kahit na paano, iyong huling pelikula nila umabot naman sa kalahati ng gross ng pelikula ng KathNiel. Sige nga pagawin ninyo ng pelikula iyang dalawang love team na iyan, maski na pagsamahin silang apat. Tingnan natin kung maipalalabas sa mga sinehan.

Kung sa bagay uso naman iyon. Hindi ba may superstars ngang tinatawag na ang pelikula first day lang napu-pull out na sa sinehan. Mayroon pa ngang ni hindi naipalabas sa sinehan. Mayroon pa nga kung anong star ang tawag, ang kabuuang kita one day gross lamang ng KathNiel.

Sa kita ng pelikula makikita kung sino ang sikat. Iyang TV hindi rin naman magandang basehan eh, alam naman natin minsan o kadalasan manipulated din ang mga survey. Iyong pelikula talaga, na pera-pera ang usapan, iyan ang basehan. Kahit na mag-padding pa sila mahahalata sa sinehan kung kumikita o hindi.z

HATAWAN!
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …