NAPANOOD na ba ninyo ang campaign ad ni reelectionist JV Ejercito?!
Nanghinayang kasi ako sa laki ng gastos sa nasabing ad pero hindi ang botante ang naging target kundi tila patutsada sa utol niyang nagbabalik din sa senado.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na mayroon silang — sabihin na nating cold war — ng kanyang utol na nagiging karibal niya sa maraming bagay, kaya useless na ipagdiinan pa ito sa isang magastos na campaign ad.
Sana ay nagdiin at naging espesipiko na lang sa kanyang mga nagawa sa senado ang tinakbo ng ads. Hindi ‘yung halatang-halata na may pasaring sa utol na may asunto dati sa Sandiganbayan.
Parang pinalalabas pa ni JV na siya lang ang “good.” Siya ang ‘good’ at ‘evil’ ang utol.
Hindi kaya naisip ni JV na imbes dalawa silang iboto ng supporters ng kanilang pamilya ‘e ilaglag na lang siya dahil sa ginawa niyang tila pagpapasaring sa kapatid?!
Kapag nangyari ‘yan sa araw ng eleksiyon, doon niya mare-realize na sa kanya nag-boomerang ang kanyang ‘patutsada’ sa utol.
May ilang araw pang natitira si JV, sana’y mapag-isipan niyang botante ang dapat niyang makombinsi at hindi iyon mangyayari sa pagpapasaring laban sa kanyang utol na minsan nang dinagukan ng panahon.
‘Yun lang.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap