Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jodi, na-intimidate kay Gabby; Engagement ni Jolo, nginitian lang

NATAWA lang si Jodi Sta. Maria nang uriratin siya sa presscon ng Man and Wife, unang pagtatambal nila ni Gabby Concepcion handog ng Cinekoang ukol sa engaged na raw ang dati niyang boyfriend na si Jolo Revilla sa dyowa nitong beauty queen na si Angelica Alita.

I know it’s not for me to comment because you guys know naman that we’re no longer together,” nakangiti nitong tugon kahit hirap sa pagsasalita dahil sa sore throat na sanhi ng pagbabakasyon niya noong Holyweek sa Thailand.

Hindi naman itinago ni Jodi na na-intimidate siya noong unang araw ng kanilang shooting.

Nagalingan naman siya kay Gabby bilang aktor at naloka sa kanilang direktor na agad kinunan ang love scene nila ng aktor sa unang araw ng shooting.

Hindi ko alam kung paano ko siya hahawakan, paano ko siya hahalikan,” paliwanag ng aktres. “Pero I must say na napaka-gentleman ni Mr. Gabby Concepcion. Talagang mararamdaman mo na walang taking advantage at talagang nakaalalay siya,” giit pa ni Jodi.

Hindi nagdalawang-isip si Jodi na gawin ang mga nasabing eksena dahil kailangan sa kuwento. mag-asawa sila ni Gabby sa pelikula.

Paliwanag naman ni Direk Laurice Guillen, wala siyang naging problema kay Jodi pagdating sa paggawa ng loves scenes. Bagamat hindi ki ailangang maghubad ng dalawa ay naipakita naman ng mga ito ang pagka-passionate.

Ang Man And Wife ay kuwento nina Luisa (Jodi) at Carding (Gabby), ang mag-asawang susubukin ang katatagan at pagmamahal sa isa’t isa pagdating ng mga problema at pagsubok sa kanilang buhay.

Magiging komplikado lang ang kanilang pagsasama dahil sa pakikialam ng ina ni Carding na si Menang (Liza Lorena) at ng kapatid ni Luisa na si Totoy (Edgar Allan Guzman).

Ang Man and Wife ay ibinase sa classic soap opera na Gulong Ng Palad na mapapanood na sa May 8 bilang Mother’s Day offering ng Cineko Productions at Cinescreen.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …