MARAMING plano si dating Manila Vice Mayor Isko Moreno para ayusin ang lungsod ng Maynila. Isa sa pagtutuunan niya ng pansin ang paglilinis sa capital city ng Filipinas dahil sa rami ng basura rito.
“Modesty aside, alam mo talaga ang tadhana maraming pamamaraan. If the number one problem of the City of Manila is garbage, suwerte rin sila… Bakit? May kandidato na silang mayor na basurero. So, what we’re gonna do, sa first week, first month, first 100 days, we will address the garbage problem in Manila Bay. In Muelle de Binondo, in Estero de Magdalena…
“No. 2, may programa kami ni Honey (Lacuña, ka-tandem ni Isko bilang vice mayor) ‘yung Pagkain sa Basura. Sabi ko sa inyo, para akong basurerong mayor. Iyong basura mo, kinukuha ko dati noong basurero ako. Ngayon, baligtad, tayo na ang gobyerno, iyong basura mo, kinukuha ko, binabayaran ng pagkain. All those recyclable materials-carton, plastic, tansan, aluminum, tansong dilaw, tansong pula, bakal, huwag mong isama siya sa regular garbage.
“A system of segregation will be implemented. Kasi, two effects iyan, e. One, economic, for individuals. Two, load of garbage in our dumpsite, wherever it is.
So, ibig sabihin mababawasan mo, may economic effect pa sa buhay ng tao, me, being a basurero. Iyang concept na iyan is in my heart, kahit nakapikit ako, kabisado ko,” saad ni Isko.
Patuloy pa niya, “Did you know that there is a country in Europe wherein there’s an ATM for garbage? Iyong bottle, ipasok mo sa ATM machine, bibigyan ka niya ng cash. So (rito), iyong basura mo, you will be given a coupon, with corresponding points. Points accumulated equals to-halimbawa, dalawang kilong bigas, asukal, mga basic goods sa bahay.
“Tapos iyong third, I’ll bring back metro aide. Alam natin na magaling ang metro aide noong araw. Umaga may nagwawalis, tanghali may nagwawalis, hapon may nagwawalis. Walang tigil iyan. And it’s a decent job. Why? Because they’re hired and regular employees of the government. May benefits, if you are doing the same thing all over again, every day, you’ll be good at it. Kumbaga, magiging espesyalista mo ‘yun. Panatag na sila, na tuwing ika-limang buwan, hindi na sila kakabahan kung mainit ang ulo ni mayor, kung tatanggalin sila, kasi, J. O. lang sila. So, we’ll give them peace of mind, job security. We’ll hire more people based on our capacity with regards to personal services,” saad ng actor/public servant na idinagdag na magkakaroon ng competition sa pinakamalinis na barangay ng Manila sa bawat distrito taon-taon at mananalo sila ng tig-isang milyong piso sa anim na distrito.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio