Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jodi at Bela, nagsampalan dahil sa bata

PAGKAGANDA-GANDA. Ito ang sabay-sabay na nabanggit ng mga nanood ng advance screening ng pinakabagong primetime crime-drama series na handog ng Dreamscape Entertainment Inc., ng ABS-CBN, noong Lunes ng gabi, ang Sino ang Maysala? Mea Culpa na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Bela Padilla.

Ginagampanan ni Jodi ang karakter ni Fina, isang simpleng magsasakang naghahangad ng magandang kinabukasan para sa kanyang pamilya at buong tapang na hahanapin ang nawawalang anak.

Makakabangga niya si Bella, isang abogado, kasama sina Tony Labrusca, Kit Thompson, Sandino Martin, Ivana Alawi, at Ketchup Eusebio.

Magsisimula ang bangungot sa kanilang mga buhay nang mag-road trip ang magkakaibigang sina Juris (Bela), Andrei (Tony), Gaylord (Sandino), Greco (Kit), Lolita (Ivana), at Bogs (Ketchup) sa Baguio upang i-celebrate ang pagpasa sa bar.

Mauuwi ang okasyon sa isang aksidente at krimen na magdudulot sa pagkakalayo ni Fina mula sa kanyang bagong silang na anak. Ngunit dala ng konsensiya, magkakasundo ang magkakaibigan na kupkupin ang bata na siya namang aalagaan at kukupkupin ni Juris.

Susubuking itago ng barkada ang madilim na lihim ng kanilang nakaraan, hanggang sa madiskubre ang isang bangkay sa Baguio na ilang taon nang naaagnas.

Dahil sa balita, iigting ang paniniwala ni Fina na buhay pa ang kanyang anak at sisimulan ang paghahanap dito.

Lalo pang iinit ang kaso dahil sa paniniwala ni Fina na ang nawalay niyang anak ay nasa poder ni Juris. Hindi naman magpapatalo ang abogado laban sa akusasyon at panghahawakan ang pagmamahal para sa batang binuhay at binigyan niya ng magandang buhay.

Dito magtatagpo sina Fina at Juris at magkakaroon ng engkuwentro na mauuwi pa sa sampalan.

Siyempre hindi magpapatalo si Fina sa pagkuha ng katarungan laban sa mga bigatin at maka­pangyari­hang abogado tulad ni Juris at mga kasama­han niya.

Kapu­ri-puri ang lahat ng nagsi­siganap sa bagong teleser­yeng ito na tiyak na kahuhumalingan na naman ng televiewers hindi lamang sa kakaiba at magandang istorya, kundi maging sa galing ng mga nagsisiganap. Tulad na hindi matatawaran ang galing ng bawat isa.

Kasama rin sa cast ng Sino Ang Maysala?: Mea Culpa ang mga batikang aktor na sina Agot Isidro, Janice de Belen, Ayen Munji-Laurel, Jay Manalo, Allan Paule, at Boboy Garovillo. Ito ay idinirehe nina Andoy Ranay at Dan Villegas at mapapanood na simula Lunes, Abril 29.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …