Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janjep, na-pressure sa premonition ni Tolentino

NA-PRESSURE si Mr. Gay World Philippines 2019, Janjep Carlos  sa premonition at kutob ni Mr. Gay World Philippines National Director, Wilbert Tolentino ukol sa paglaban niya sa Mr. Gay World 2019 na gaganapin sa Cape Town, South Africa sa April 28-May 5.

May premonition kasi si Wilbert at nakikita niyang tatlong korona ang makakamit ng Pilipinas sa Mr. Gay World simula ngayong taon kay Janjep at sa mga susunod na mga taon.

Ani Janjep, “Sobra akong na-pressure kasi bigla… huwag naman sana na hindi ko makuha, so parang magiging sinungaling siya. Pero ako, I will do and give my best sa pageant with the help of Boss Wilbert, Kagandahang Flores and whole team, and siyempre sa support ng mga Filipino lalo na ng Pinoy LGBTQ community.”

Nagpapasalamat si Janjep kay Wilbert dahil sa buhos na suporta, pag-aalaga at pagmamahal sa kanya. “Thanks to Boss Wilbert kasi sa stress niya for the whole pageant, pero nandiyan ‘yung love niya sa akin. Full support siya sa akin sa pageant na ito and I’m very thankful to him.”

Nakausap namin si Janjep sa Send-off Party and Presscon na inorganisa ni Wilbert para sa kanya na ginanap noong April 23 sa The One 690 Entertainment Bar, na pag-aari rin ni Wilbert. Dito ay nagbigay ng mensahe si Wilbert at sa mga tumutulong sa kanila sa paghahanda sa pagsabak sa international pageant ni Janjep.

Ayon kay Wilbert, “First, I would like to thank KF (Kagandahang Flores) for giving pageant training para sa iyo (Janjep). And I believe na kayang-kaya natin iyan, ‘di ba? And na-train ka rin sa make-up ni Kuya Gio. Siyempre malaki ang edge mo at this time kasi 2016 pinaghandaan natin ito until ngayon. I think it’s about time for us for the second crown and I believe we can make it. Basta paniwalaan natin ang destiny at premonition. If it’s para sa iyo, para sa iyo talaga iyan. So, best of luck and bring home the crown.”

Si Wilbert ang namuno sa Philippine franchise at naging National Director ng Mr. Gay World Philippines noong 2016 at 2017. Sa ilalim ng kanyang pamumuno ay nagkamit ng tagumpay ang Pilipinas sa international pageant matapos itanghal si Christian Lacsamana, Mr. Gay World 2016 second runner-up at nakuha ni John Raspado ang titulong Mr. Gay World 2017 bilang first Pinoy winner at kauna-unahang Asian na nanalo ng title.

Pansamantalang iniwan ni Wilbert ang pagiging national director noong 2018 at muli niya itong hinawakan ngayong 2019.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …