FOCUS kung magtrabaho si dating Vice Mayor Isko Moreno na ngayo’y tumatakbo sa pagka-Mayor ng Maynila. Kaya naman imposibleng balikan niya ang showbiz.
Ito ang ipinaliwanag ni Moreno sa isang tsikahan noong Martes ng tanghali sa Casa Roces kasama ang vice mayor niyang si Honey Lacuña, nang matanong kung babalik ba siya sa pag-arte.
“Andyan ‘yung anak kong si Joaquin, pangatlo. Nagwo-workshop siya. Hindi ko naman sila dini-discourage sa showbiz basta ang usapan namin, hindi puwede (mag-showbiz) hangga’t wala silang diploma. Kaya patapos na siya in a year time.
“I encourage them to go to understudies,” sambit ni Moreno.
Hindi naman sa hindi niya babalikan ang showbiz. Paliwanag ni Moreno, “Why not?! Pero kapag ako na-elect at hindi ko naman binubuhat ang bangko ko. You know it I don’t take the position lightly. I take it seriously and wholeheartedly.”
Ginagawa niya ang trabahong iniatang sa kanya ng mga bumuto sa kanya para hindi masayang ang botong ipinagkatiwala sa kanya. “Pinasusuweldo mo ako tapos you’ll see my 12:00 in a live television everyday. Anong tingin mo sa akin, I’m taking you lightly the mandate you’ve given me. Nakakahiya. ‘Yun ang sinasabi ko, hindi tayo lahat moralista, pero may certain level ng respeto, hindi man para sa iyo para sa iyong anak.”
Kung magpo-produce naman siya kailangan niyang maging seryoso. “Because it’s a hard earned money, baka masayang kung hindi ko ito mahaharap. Being a producer is like a director, the director handles all the logistics in producing a film. It’s not a joke. May mga taong gustong makapag-produce just for the sake of producing. Mahirap siya, unless you only want to produce. Pero kung gusto mo siyang maging business talaga kailangan may oras ka para rito. May hanapbuhay naman kaming mag-asawa at nabubuhay naman kami ng maayos.
“I just want to be of service for the people.”
At kung sakaling mahalal siya bilang mayor ng Maynila, ibabalik niya ang Manila Film Festival. “All cultural entertainment, types of activities. And I made a promise, it’s a public statement na pwede akong singilin. Lahat ng beksi, if New York can do it. If San Francisco can do it, if Amsterdam can do it because I saw it, I was there, when they did the Pride Parade, Manila will hold it’s first National Gay Pride Parade. It’s a public statement.
“The reason behind once and for all, don’t do it in BGC, don’t do it in Makati, there’s no historical value there. Here in Manila there’s history. There is art in Manila, artists, designers, andito lahat, so rito natin payabungin. Masarap i-express ang sarili mo sa Malate.
“Ang Manila Filmfest it will be done, uulitin bubuhayin, Ang Manila Indie Festival, it can be done in support of indie industry, to generate more job, baka may mga batang Manileño na may creative mind. So maraming puwedeng gawin,” mahabang paliwanag pa ni Moreno.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio