Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vico Sotto, malaking banta kay Eusebio

TALAGA nga bang isang malaking banta kay incumbent Pasig City Mayor Bobby Eusebio ang mayoral bid ng makakalaban niyang si Vico Sotto?

May nasagap kaming tsikang hindi na umano siya pinagre-report sa munisipyo gayong bukod sa isa pa rin siyang nakaupong Councilor ay presidents pa siya ng asosasyon ng mga konsehal sa naturang syudad.

Tinanong namin ang aming source kung ano ang chances ni Vico na “maagaw” ang kapangyarihan mula sa kasalukuyang alkalde, “Fify-fifty pa rin kung paanong may tulog din naman ang present mayor.”

Ang nakatatawa ay ang eksena nitong mag-motorcade ang Team Vico sa buong lungsod, “Sobrang dami ng tao, aakalain mo ngang si Bossing (Vic Sotto, na sumama ring naglibot) ang tumatakbo!”

Inalmahan din ng aming kausap (isang lehitimong taga-Pasig) ang ‘di pagpapahintulot ni Eusebio na isagawa roon ang Juan For All, All For Juan segment ng Eat Bulaga.

Wala naman kasing halong politika ‘yon. Mga tao ang gustong bigyan ng kasiyahan ng ‘Eat Bulaga.’ Huwag naman sanang ipagkait ang kasiyahang ‘yon sa amin,” emote ng aming source.

Oo nga naman.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …