Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arjo, sinalag, mga pag-uusisa kay Maine

BILANG respects sa organizer ng anumang event na ipino-promote niya, hangga’t maaari’y tumatanggi si Arjo Atayde na pag-usapan ang anumang topic na wala namang kaugnayan dito.

Such is the case sa tuwing inuusisa ang aktor tungkol sa status nila ng kanyang rumored girlfriend na si Maine Mendoza.

At recent thanksgiving lunch na inorganisa nilang mag-iina (Sylvia Sanchez with daughter Ria), magalang na sinalag ni Arjo ang mga tanong na may kinalaman kay Maine.

Mas gusto niyang i-highlight ang kanyang Bagman TV series, his movie Stranded, his regular exposure in The General’s Daughter at kung ano-ano pang pinagkakaabalahan niya (same with Ria).

Lest nga naman he be accused na ginagamit lang niya si Maine to his career advantage, mas mabuti nang tikom ang kanyang bibig on things not associated with his girlfriend.

Sa parte naman ni Sylvia (fresh from her victory bilang Best Actress at a festival), huwag lang nasa panganib ang kanyang pamilya ay kaya niyang sikmurain lahat.

Atta mom!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …