Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Quinn Carrillo, success sa career at more blessings sa family ang bday wish

NAGING masaya ang 21st birthday celebration ng talented na member ng all-female group na Belladonas na si Quinn Carrillo. Sa Taggo Bar ginanap ang kanyang party, naging bisita ni Quinn ang Clique V. at ilang kasa­ma­han sa 3:16 Events and Talent Manage­ment Company ng lady boss nitong si Ms. Len Carrillo.

Ano ang kanyang birthday wish? “Simple lang naman po ‘yung birthday wish ko this year, more success siguro sa career ‘tsaka more blessings sa family po,” wika ni Quinn.

Ano’ng gift sa kanya ng mommy niya? “Ito po, ‘yung party, hahaha! Tsaka ‘yung necklace po na ito,” sambit niya sabay turo sa suot na kuwintas.

Gaano kaya kamahal ang necklace niya? “Hindi na po iyon mahalaga. Priceless po para sa akin ito, kasi bigay ng nanay ko,” nakangiting wika pa ni Quinn.

Pasok din bilang belated birthday gift kay Quinn ang natanggap na award ng Bel­ladonnas bilang Best Female Group sa Laguna Excellence Awards 2019. Dito’y nanalo rin ang Clique V. bilang bilang Best Male Group naman.

Anyway, inusisa rin namin si Quinn kung ano pa ang wish niyang ma-achieve sa kanyang career? “Isa po roon ‘yung ma­ka­pasok po sana sa Starstruck, kasi bata pa lang po ako gusto ko nang makapasok doon. And of course, more projects pa po, lalo na sa acting kasi ‘yun po ang field na gusto ko pang i-develop sa akin.”

Bakit Starstruck? Ayaw ba niya sa PBB? “E kasi noong bata pa po ako, wala pa pong PBB, hahaha! Starstruck pa lang po ‘yung nandoon.”

Paano kung magkaroon siya ng chance sa PBB? “Bakit po hindi, let’s not say no to opportunities.”

Sino pa ang gusto niyang makatrabahong aktor? “Leading man? Siyempre, crush na crush ko po si Jericho (Rosales) noong bata pa lang ako, kahit na parang ang layo ng age gap namin. If ever siguro, si James Reid din po dahil magaling pong actor, e.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …