PINURI ni Pag-alma ni Regine sa China, pinuri ni Ethel bilang matapang sa hanay ng mga kababaihan sa pagsiwalat ng kanyang saloobin patungkol sa China.
Inalmahan kasi ng Asia’s Songbird ang pag-angkin ng mga Tsino—hindi lang sa karagatang pag-aari ng Pilipinas—kundi maging ang mga pagkaing-dagat na nakukuha sa mga ito.
Noon pa nama’y very vocal na si Regine laban sa administrasyong Duterte lalo na noong panahong nauso ang “stupid God” na linyang binitiwan ng mismong Pangulo.
All this time though ay tahimik lang ang mister ni Regine na si Ogie Alcasid, pero hindi ibig sabihin nito’y Ogie does not share his wife’s sentiments.
Sa hanay ng mga singer, dumagdag si Regine sa listahan ng mga lantarang bumabatikos sa kasalukuyang pamunuan. Nariyan siyempre sina Jim Paredes, Agot Isidro, Celeste Legaspi, Cynthia Patag at marami pang iba.
Saludo kami kay Regine sa aspetong ito. Hindi niya kasi inalintana ang posibleng consequences ng kanyang pagiging isang anti-Digong lalo’t ang nilipatan niyang network—ang ABS-CBN—ay pinag-iinitan ng Presidente.
(RONNIE CARRASCO III)