Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marion Aunor, The Songwriter, mapapanood sa Metrowalk sa April 26

MARAMING magagandang nangyayari ngayon sa career ng prolific singer/songwriter na si Marion Aunor. Una na rito ang single niyang Akala na umabot na sa higit 17 million streams.

“Sumakto pa ito, sa birthday ko natapat iyon. So feeling ko po ay gift talaga siya from God,” masayang sambit ni Marion.

Actually, nang first time naming narinig ang single na ito ni Marion, sinabihan namin agad siya na magiging hit ang kanta niya na naging theme song sa pelikulang The Day After Valentine’s ni Direk Jason Paul Laxamana na tinampukan nina Bela Padilla at JC Santos.

Isa pa rin sa magandang nangyari sa kanya lately na talagang ‘di niya malilimutan ay nang maimbita sa katatapos na Grammy Awards sa Amerika na ginanap sa Staples Center sa Los Angeles. Ayon kay Marion, isa itong kakaibang experience na nakasama nila sa iisang lugar ang ilan sa biggest celebrities ng Hollywood at na-witness nila personally ang mga acceptance speech at performances ng international stars na talagang ibang level daw.

“Na-meet din po namin ‘yung son ni Bob Marley na sa Ziggy Marley sa isang Grammy event. I’m grateful na na-experience ko po lahat iyon,” nakangiting pahayag ni Marion.

Kasama rito ni Marion ang younger sister niyang si Ashley Aunor na isang singer, recording artist at songwriter din tulad ng kanyang ate. Actually, second time nang naimbita si Marion sa Gram­my’s, ngunit hindi siya naka­dalo noong una dahil nagkaroon siya ng sakit.

Samantala, abangan ang concert niyang Marion Aunor, The Songwriter sa April 26, Friday, 8pm sa Music Hall Metrowalk. Dito’y iso-showcase niya ang mga naisulat na kanta. Ayon kay Marion, at the same time raw ay post-birthday concert niya ito since nagdiwang siya ng kaarawan last April 10.

Sambit ng panganay na anak ni Ms. Maribel ‘Lala’ Aunor, “Medyo matagal na rin po akong hindi nagso-solo show, so I’m excited for this one.”

Para sa tickets, maaaring tumawag sa 451-1786 at 09060996138.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …