BILIB si Kris Aquino kay Timi Aquino, asawa ni re-electionist Senator Bam Aquino, pinsang buo ni Kris. Hanga si Kris sa pagsasakripisyo ni Timi sa career nito para suportahan at tulungan ang kandidatura ng asawa.
“This is a woman (Timi) who was on a career path to make her a president at least of one of the biggest fastfood companies in the Philippines, papunta na roon eh. And prior to that she helped the biggest hair care brand na pinakamalaki sa Pilipinas.
“And sa lahat naman ng babae, the choice is always career or family, and she chose family. And I said, could I ever loved a man enough to choose him over my career. And I said, obvious ba hindi, kaya nga wala akong asawa. Pero siya (Timi) nagawa niya. Kailangan lang mai-communicate iyon na there is something in Bam that maybe all of us women are missing.
“Because I have to see Bam through Timi’s eyes. Because that is what will convince me. Kasi para iwanan ni Timi ‘yung trabaho niya na siya ang nagsumikap. Siyempre ikaw, what gives us relevance, importance, affirmation, but she left it in the name of love,” sabi ni Kris.
Buo ang suporta ni Kris sa kandidatura ni Sen. Bam pati na rin sa asawa nitong si Timi. Kaya naman nag-organisa si Kris ng presscon para kina Bam at Timi na ginanap sa Max’s restaurant sa Scout Tuazon, Quezon City noong Lunes, April 22.
“This day is for Timi, this day is for Bam. I wanted to do this because one, as Timi said we’re all in this together. Two, at the end of the day bitbit ni Bam ang apelyido namin.
“So, kailangan tumayo ka para sa kapamilya o kadugo mo. Hindi dahil kapamilya o kadugo mo siya, pero dahil mayroon siyang mga katangian na dapat mo talagang ipagtanggol,” ani Kris.
Ipinaliwanag naman ni Kris kung bakit si Timi lang ang kasama niya sa presscon at wala si Sen. Bam.
“I can’t say the word vote. I’m obeying (endorsement) contracts that say bawal. As you can see, lawyers check for me kung ano ‘yung pwede kong gawin. So, this is the closest I could come.
“I can say the number, number 9. As you can see, si Timi ang katabi ko, hindi ‘yung kandidato. Inaral ng lawyers ko kung ano ang pwede kong magawa para makatulong sa kanila without me violationg my contracts dahil ayokong isauli ‘yung pera nila eh.
“Sorry, dahil sayang naman dahil nabayaran na namin ‘yung tax para roon. So, ginawan namin ng paraan to the best of my ability.”
PABONGGAHAN
ni Glen Sibonga