Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ivana Alawi, walang restrictions sa pagpapaseksi

BIG break ng baguhang aktres na si Ivana Alawi ang mapabilang sa lead cast ng upcoming ABS-CBN Primetime teleseryeng, Sino Ang May Sala?Mea Culpa kasama sina Jodi Sta. Maria, Bela Padilla, Ketchup Eusebio, Tony Labrusca, Kit Thompson, at Sandino Martin.

Actually, sobrang nagulat ako nang in-offer sa akin ito. Kaya sabi ko talagang pagbubutihan ko. I’m really thankful kina sir Deo (Endrinal), sa Dreamscape, sa ABS-CBN dahil pinagkatiwalaan nila ako. Sobrang thankful ako na ibinigay nila ito sa akin,” sabi ni Ivana.

Siyempre nagpapasalamat din si Ivana sa FPJ’s Ang Probinsyano, ang kauna-unahang show niya sa ABS-CBN pagkatapos lumipat sa Kapamilya Network last year.

Produkto ng StarStruck ng GMA Network si Ivana at ka-batch niya ang winners na sina Migo Adecer at Klea Pineda. Pagkatapos ng Starstruck ay bumalik siya sa pag-aaral at pagkaraan ay nakilala si Perry Lansigan ng PPL Entertainment.

Ngayong nasa ABS-CBN na siya ay co-manage siya ng Star Magic at PPL Entertainment.

Sexy ang image na ipino-project ni Ivana. Katunayan nagpatikim na si Ivana ng kaseksihan sa pilot week ng Sino Ang May Sala?, na nagkaroon ng special screening bago ang presscon na ginanap sa Dolphy Theater noong April 22. Mayroon din siyang love scene kasama si Kit sa serye.

Ano ang reaksiyon niya na ginu-groom siya bilang sexy dramatic actress katulad nina Cristine Reyes at Ellen Adarna?

Nakaka-pressure rin kasi ang seseksi nila, ‘di ba, kaya gagalingan ko rin. Pero ayoko lang ‘yung basta sexy, gusto ko rin ‘yung may maipakikita rin ako sa acting.”

Ayon kay Ivana, marami pa siyang sexy scenes sa serye bukod sa love scene nila ni Kit, na may butt exposure. “Naku, mas marami pa po, mas matitindi. Kaya dapat abangan niyo. ‘Yung mas maiinit na eksena I think mapapanood niyo sa iWant. ‘

Paano nila pinaghandaan ang love scenes nila ni Kit?

Wala, we just did it. Hindi kami nagkaroon ng inhibition exercises. Medyo mahaba lang noong isinyut na kasi iba-ibang anggulo.”

Suportado ba ng parents niya ang pagpapaseksi?

Okay lang naman po sa Mommy ko. Supportive naman po siya. Before ‘yung daddy kong Moroccan ayaw niya to show skin, ‘yung love scenes. Pero bago siya namatay last December, sinabi niya sa akin na proud siya sa akin. So, feeling ko natanggap na rin niya ang pagpapaseksi ko kasi napanood din naman niya ako na sexy sa ‘Probinsiyano.’”

Wala ba siyang restrictions sa pagpapaseksi?

Wala po. I’m ready po sa ipagagawa sa akin. Walang restrictions.”

Sa ilalim ng produksiyon ng Dreamscape Entertainment at sa direksiyon nina Andoy Ranay at Dan Villegas, ang Sino Ang May Sala?: Mea Culpa ay mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN Primetime Bida simula, April 29.

PABONGGAHAN
ni Glen Sibonga

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …