Monday , December 23 2024

Clark International Airport na ginastusan nang bilyon bumigay agad sa magnitude 6.1 earthquake?!

HINDI natin iniismol ang magnitude 6.1 lindol na puminsala sa Luzon nitong Lunes.

Nakatatakot iyon.

Pero ang higit na nakatatakot ‘yung malaman ng mga pasahero na hindi safe sa loob ng Clark International Airport (CIA) kapag may mga sakunang gaya nang naganap na lindol.

Mantakin ninyong bumagsak ang kisame ng airport? Hindi ba’t mas nakatatakot ‘yan?!

Hindi ba’t ang ligtas na paraan kapag lumilindol ay manatili kung nasaan at humanap ng area na maaaring ituring na “triangle of life” at doon muna manatili hanggang humina o tumigil ang pag-uga saka unti-unti lumabas at humanap ng ligtas na lugar sa labas ng gusali?!

Pero hindi pala puwede ito sa Clark airport kasi doon pa lang sa loob, madidisgrasya na ang pasahero.

Naging katawa-tawa tuloy ang suhestiyon noon na ilipat ang NAIA terminals sa Clark dahil mas presentable umano sa mundo.

Hak hak hak!

Mabuti na lamang at hindi nagtagumpay ang panukalang iyon.

Sana’y maging aral ito sa mga contractor, engineers at mga arkitekto na nasa proyektong airport. Pakitibayan naman ninyo ang d-rehabilitate at nag-renovate ng Clark Airport?!

isenyo at nawa’y maging ligtas sa mga pasahero.

Magkano kaya ang kinita ng contractor na nagTsk tsk tsk…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *