KUNG sa talent ay may talent naman ang sports personality na tinutukoy natin ngayon.
Ilang dekada na rin naman siya sa kanyang trabaho pero unakabogable ang lola dahil mahirap nang mapantayan ang kanyang angking talent sa pagho-host ng kanyang specialty – ang sports.
B-lingual rin siya kaya versatile ang lola mo.
If the report should be dished out in English, she is veritable fluent at it.
Kung Filipino naman ay walang problema dahil eloquent rin siya sa ating lengguwahe.
May isang kapintasan nga lang siya. Hindi siya marunong mag-alok sa kanyang mga kasamahan kapag oras na ng kainan.
Kapag kumakain na siya sa isang sulok, ni pabalat bunga ay hindi siya marunong mag-alok.
Lafang to the max siya without offering anything to the camera men or to anyone in particular.
Ang dahilan niya ay pare-pareho naman daw silang may food allowance so why should she bother to share her food with them?
Siyempre naman, no comparison ang kanyang food allowance as compared to the small people of the network. Mano ba naman ‘yung mag-offer siya nang konti sa small people in the industry. After all, earning capacity-wise, they are no match to hers.
Pero wala nga sa kanyang bokabularyo ang mag-share.
Kuring siya sa dilang kuring kaya pumanget siya at nangulubot nang wala sa panahon. Hahahahahahahahahaha!
‘Yun nah! Hahahahahahahahahahaha!
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very. very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.