Friday , December 27 2024

Max, ramdam ang stress ng pagiging ina dahil kay Jessie

MADALAS palang pagsungitan ni Max Collins si Pancho Magno.

Pero hindi naman sinasadya ni Max na gawin ito sa mister niya.

Nadadala lang kasi niya pag-uwi sa bahay ang intensity ng papel niya bilang si Jessie sa Bihag na pinagbibidahan ni Max sa GMA.

Lagi akong masungit. Kawawa siya! Sabi niya sa akin, ‘Ano ba, masungit  ka na naman?’

“Hindi ko talaga alam, eversince nai-imbibe ko siya, ‘yung role ko as Jessie, ‘yung character, parang lagi ko siyang nadadala sa bahay, as in parang naging nanay na rin ako.

“So ‘pag nasa bahay ako, ‘Ano ba naman ‘to? Kailangan ko na namang mag-grocery shopping, kailangan ko na namang paliguan ang aso.’

“Ganyan-ganyan.

“So it’s like nakikita ko ‘yung buhay ko sa perspective ng isang ina and nadadala ko siya.

“Mabigat siya, mabigat.

Pero mas nakatutulong sa trabaho,” at tumawa si Max. “So masaya ako ‘pag nasa trabaho ako, at least nailalabas ko.”

Bilang si Jessie ay matindi ang mga pinagdaraanan (at pagdaraanan pa) ni Max dahil sa pagmamahal sa kanyang anak na si Ethan at mister na si Brylle.

Nasa Bihag din sina Jason AbalosSophie Albert, Raphael LandichoNeil Ryan Sese, at Mark Herras. Ito ay idinidirehe ni Neal del Rosario.

Ano ang pinakamalaking pagbabago sa buhay ni Max mula nang ikasal sila ni Pancho noong December 11 last year?

Patience!

“Mas humaba ang patience ko. Mas nagiging understanding ako.

“Mas nagiging selfless ako, before puro sarili ko lang ang iniisip ko, now I have someone to think of all the time.

“I have someone to understand all the time, and mas naging mature talaga ako.

“Siyempre we have to hold our family together so hindi ko puwedeng ipakita sa kanila na weak ako, na I really have to be a strong person for my family.

“Kasama rin kasi namin ang kapatid ko eh, so he’s like my child na rin.”

Kumbaga, ang papel ng nanay niya sa kanya noon, ngayon ay si Max na ang gumagawa para sa sarili niyang binubuong pamilya with Pancho.

“Yeah! Nararamdaman ko na ‘yung stress na naramdaman niya (her mom) noon, mahirap talaga maging isang nanay.

“As in sobrang hirap!”

Lalo na siguro kapag may anak na sila ni Pancho.

Lalo na, lalo na,” at tumawa ang magandang Kapuso actress.

RATED R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *