Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kathryn, ‘di napigilang maglambitin kay Daniel (Sa sobrang pagka-miss sa aktor)

HINDI lang nabigla, talagang hindi napigilan ni Kathryn Bernardo ang maglambitin kay Daniel Padilla nang sorpresahin siyang dalawin Nixon sa Hongkong. Hindi niya inaasahan iyon dahil hindi naman kasali si Daniel sa pelikulang ginagawa niya, at alam niya busy iyon. Humingi nga ng leave si Daniel sa ABS-CBN dahil tumutulong siya sa kampanya ng tatay niyang si Rommel Padilla sa Nueva Ecija.

Iisipin ba ni Kathryn na madadalaw siya ni Daniel? Kaya nga sa tindi ng kanyang katuwaan, talagang naglambitin siya nang yakap at ayaw nang bumitiw kay Daniel.

Pero siyempre ang mga ganyang istorya ay hindi rin naman nila gustong kumalat nang husto, dahil kung ganyan nga, ano pa ang maaasahan ninyo sa tambalan nina Kathryn at Alden Ri­chards?

Iyan pa namang proyektong iyan ang sinasabi nilang pagkakataon din ni Alden na makabangon matapos na diretsahang iniwan ng kanyang ka-love team na si Maine Mendoza na kasama na naman ng boyfriend na si Arjo Atayde sa Bali nitong nakaraang mahal na araw.

Eh anong bawi pa nga ba ang mangyayari kung hindi naman mabubura kahit na sandali sa isipan ng masa na ang talagang katambal ni Kathryn ay si Daniel? Kung ganyan, malamang sa hindi na mangamote ang tambalang Kathryn-Alden.

Pero ano nga ba ang magagawa ninyo eh mukhang talagang in love naman ang dalawa sa isa’t isa. Mabuti nga at ganyan na lang. Iyon ngang JaDinenag-live in na. Iyon naman iba rin ang naging epekto. Nakatamlay din sa love team nila ang pagli-live in. Nasira na rin kasi ang ilusyon ng mga babaeng fans kay James Reid dahil inangkin na siya ng ka-love team niya.

Tingnan na lang natin kung ano pa ang mangyayaring kasunod.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …